Chapter 27 *My Sweet Jacob*

7.3K 175 23
                                    

A/N Hello po sa lahat! Maraming-maraming pasensya po ang utang ko sa inyo na mga nagbabasa ng nobelang ito. Masyado lang po akong naging busy sa trabaho at wala na po talaga akong oras na gawing ito. Kaya humihingi po ako ng lubos na pag-unawa at pasensya pa po ulit. Bakit ba kasi ako naging isang guro? Pahirap sa buhay, sa totoo lang. Hanggang bahay dala ang trabaho. LOL. Pero rewarding naman po kaya joke lang ang litanya ko he-he!
So, 'ayun po, pasensya na po sa lahat nang sumusubaybay sa kuwento nila Liz at Jacob, maging kila Jem at Patch. Hope you like this summer treat. Thank you sa walang sawang pagsuporta.

God Bless to us all!




[Liz's POV]

Napapakagat-labi ako tuwing nakikita ko si Jacob na gumagawa ng kung ano-anong hitsura ng mukha habang pinapakain si Jared.

Ang akala siguro nito ay hindi ko ito napapansin dahil nasa kusina ako habang ang mga ito naman ay nasa living room. Pero kitang-kita ko kung paano nito kulitin ang anak. Two—one man, one boy—both have light brown hair cuddling each other while giggling. Tuwang-tuwa kasi si Jared tuwing hinahalikan ng ama nito ang parteng leeg nito. At sa tuwina'y napapangiti naman ako. Ayoko na nga lang na tumawa dahil tiyak na mako-concious si Jacob at baka ako pa ang balingan nito ng kakulitan.

Not that I don't want to get his attention, iyon nga lang ay kailangan ko na munang matapos ang paghahanda ng mga kailangan namin para sa picnic.

Si Jacob ang nagyaya na mag-picnic daw kami. Hindi ko alam kung ano ang nakain nito o kung ano ba ang pumasok sa isip at nagyaya ito ng ganoon. Inilalagay ko sa basket ng mga pagkain na sabay naming inihanda kanina habang ito naman ay inihahanda ang anak.

Iiwanan muna namin si Jared sa lolo at lola nito. Kagabi pa nga lang na itinanong namin kung puwede naming iwan muna doon si Jared ay agad na sumang-ayon ang mga ito. Palibhasa'y sabik sa apo. Excited na rin naman ako kung saan man ako dadalhin ni Jacob, hindi kasi nito sinabi kung saan kami pupunta. Plus the fact na may surpresa raw itong ipapakita sa akin mamaya.

Hindi naman talaga dahil sa surpresa kaya ako excited. Na-e-excite ako dahil ito nalang ulit ang unang pagkakataon na magkakapag-solo kami simula nang ipanganak ko si Jared. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na masasabi kong magkakasama kami ng totoo ni Jacob sa isang bakasyon. I miss his company. Hindi ko rin ba alam sa sarili ko pero pakiramdam ko kasi minsan kahit na, araw-araw ko namang syang nakakasama at nakikita ay nami-miss ko pa rin siya. Kahit na nga ba may anak na kami ay kinikilig pa rin ako tuwing may ginagawa syang karaniwan na marahil sa iba ngunit pag ito na ang nag-effort talaga namang hindi ako puwedeng hindi ngingiti.

Malawak ang ngiting tinapos ko na ang ginagawa. Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran sabay halik sa may parteng leeg ko.

"Ang bango mo. Parang ang sarap mong kagatin," malambing na sabi ni Jacob.

Automatic na yata ang reaksyon ng katawan ko sa taong ito dahil madaiti lang ang balat ko sa balat niya ay agad na bumibilis ang tibok ng puso ko at parang palagi nalang akong lalagnatin dahil sa init na nararamdaman ko. Ano ba 'yan!

"B-baliw ka! Baka 'yong ulam 'yong naaamoy mo," kandautal na sagot ko naman dito pero hindi ako nagpumiglas sa yakap nito. Bakit pa eh masarap manatili sa mga bisig nito.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon