Chapter 35 *Back to the Start*

2.7K 62 14
                                        

Author: I'm sorry for the super long wait. I've experience something dark in my life that's why I stopped writing... Kaya po pasensya na. Parang nagsisimula po muli ako sa umpisa. Nawa po'y mapagtyagaan n'yo pa ako. Salamat anf God bless! Happy Reading :)


Jacob's POV

"My name is Jacob Kifler, I have a twin brother name Jeremy and apparently, I'm a businessman. My mother's name is Lea and my father is Arnorld. They've been married for 30 years and I'm married," kumunot ang noo ko at sandaling natigilan bago muling nagsalita. "Her name is Eliza Fortez and we've been married for 3 year," mas lumalim ang pagkakakunot ng aking noo sa nabasa. "Are you kidding me?" naiinis na tanong ko sa mga taong nakatingin sa akin.

Inilibot ko ang aking mga mata upang hingin ang kompirmasyon ng mga taong naroon sa loob ng hospital room ko ngunit walang umimik ni isa man sa mga ito.

"Are you kidding me?" muling tanong ko, medyo umiinit na ang ulo ko dahil wala pa ring sumasagot sa simpleng katanungan ko. "Is this some kind of a joke? This is bullshit!" tiimbaggang na itinapon ko ang mga hawak na papel. Nasa unahang page palamang ako ngunit hindi ko na gustong ipagpatuloy ang pagbabasa sa mga dapat ay alam ko na tungkol sa sarili ko. Parte siguro nang pag-iinit ng ulo ko ang kaalamang wala akong maalala for the past 5 years of my frigging life!

"Jake, calm down hindi mareresolba ang problema kung idadaan mo sa init ng ulo. We're trying to help you, son."

"Trying to help me?" naiinis na tanong ko sa daddy ko. "How can you help me with these bullshit?" pasigaw na tanong ko sa kanya. "I remember I was struggling in training to be in your position, dad. Paano mo ako matutulungan kung ang problema ko ay nawawala ang memorya ko sa loob ng limang taon. Tell me, may gamot ba na kayang pabalikin ang alaala ko?" galit na litanya ko sa ama ko.

"Time will tell. Sabi naman ng doktor mo ay maaaring bumalik ang alaala mo kung ma-e-expose ka sa mga bagay o mga tao na nakakasalamuha mo noon. 'Di ba nga't naalala mo agad ang pangalan mo after resting for a day. Malaki ang posibilidad na bumalik uli ang iba mo pang alaala sa lalong madaling panahon."

"We can hope. But there's always a possibility na baka matagalan bago bumalik ang alaala ko and feeding me lies," naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa galit na muling umahon sa aking dibdib. "Married? Nagpakasal ako sa babaeng ni hindi ko kilala at hindi ko maalala."

How can that be possible? Kung talagang importante sakin ang Eliza na 'yon bakit hindi ko s'ya maalala. Bakit wala s'ya sa alaala ko?

"Son, wala pang isang taon kayong magkakilala ni Liz no'ng magdecide kayo na magpakasal. So kung ang span ng nawawala mong memorya ay five years...It seems hindi mo talaga s'ya matatandaan." malumanay na pahayag ng daddy ko.

Puno ng kapaitang natawa ako sa sinabi ng daddy ko. "So nagpakasal ako sa babaeng ni hindi ko pa lubos na kilala?" muli akong natawa at napailing "And you let me get married with this girl?"

"Anak, mahal na mahal mo s'ya," humihingi ng pag-unawa ang boses ng mommy ko ng sabihin ang mga katagang iyan. Bigla ay bumaba ng ilang lebel ang inis na nararamdaman ko dahil sa nakikita kong kahirapan sa mukha ng mommy ko.

"Mom, I don't think I love her," How could I be in love with someone I don't know? "Kasi kung mahal ko talaga s'ya, maaalala ko s'ya. Pero kahit mukha n'ya ay hindi sumasagi sa depektibo kong utak sa ngayon."

"Give it time, anak. Sigurado ako na maaalala mo rin si Liz at si—" inakbayan ito ni daddy kaya naman naputol ang pagsasalita ng mommy ko.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon