Liz's POV
MATAPOS ang unang beses na magmulat ako nang mga mata ay nadadalas na ang paggising ko. Sabi naman nang doktor ay normal lang daw iyon dahil nag-a-adjust pa ang katawan ko. And unlike nong una, wala na akong mga weird na panaginip. Saka unti-unti ay nararamdaman kong bumabalik na ang aking lakas. At nadadalas na rin ang pagdalawa nang mga kamag-anak at kaibigan ko sa akin.
Nong minsan na tanungin nila ang doktor kung puwede bang magsama ng bata ay hindi iyon pinahintulutan ni doc Arnold. Akalain mo nga naman na kapangalan pa ng mabait na doktor ang father-in-law ko.
Alam kong pinatatagal lamang nila ang pagsasabi sa akin. Talagang iniiwasan nila ang topic kung saan puwedeng mabanggit ang pangalan ng asawa kong si Jacob at dahil natatakot din naman akong magtanong kung ano nang nangyari sa kanya o kung nasaan na siya ay hinahayaan ko nalamang silang papaniwalain ako sa kung ano man ang gusto nila. Hihintayin ko nalang na sila na ang magsabi sa akin kung nasaan ang asawa ko.
Pero paano kung kailangan ka na ni Jacob, Liz? Paano kung hinihintay ka na niya ngayon at naiinip na siya sa paghihintay sa 'yo? Baka nga galit na 'yon sa 'yo at sinisimangutan ka na o nagtatampo na s'ya. Grabe pa mandin 'yon magtampo, parang bata na nagta-tantrums. Dahil sa isiping iyan ay magkasunod na napangiti at napabuntong-hininga ako.
Siguro, dapat ko nang malaman ang totoo.
"JEM, gaano na ako katagal dito sa ospital?" bigla kong tanong na nagpatahimik sa lahat nang nandoon sa hospital room ko. Iyon na ang ikalawang araw na nagisnan ko silang nagbabantay sa akin. Iyon palang rin ang ikalawang araw na nagising ako nang hindi na parang pagod na pagod o nahihilo. Maayos na ang pakiramdam ko at nais ko nang malaman kung nasaan ang asawa ko.
Kahit parang ayaw ipahalata nang mga tao roon ay napansin ko pa rin ang pagpapalitan nila nang makahulugang tingin. Si Jeremy naman ay biglang napaisip.
Nang mag buntong-hininga ito at sandaling tumingin sa mga magulang ko at mga magulang niya—upang humingi maramil nang pag-unawa o approval—tumikhim muna ito bago tumingin sa akin at nagsalita.
"You've been asleep for almost six months, Liz," napatulala ako dahil sa sinabi niya at hindi nagawang makapagkomento manlang. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita "hindi ganoon ka-minor ang naging trauma sa ulo mo katulad nang unang diagnosis nang mga doktor. Sabi nila sa amin no'ng madala ka sa ICU ay baka raw tumagal ng three months na wala kang malay. Kaya naman nong hindi ka nagising pagkalipas ng three months ay binalak ka na naming dalhin sa ibang bansa upang doon na patignan. Pinigilan lang kami nang parents mo. Saka hindi kayo puwedeng sabay na palabasin nang bansa ni Jacob dahil sa kaso n'yo. Kasi hindi naman daw ak—" dagling napahinto si Jeremy sa pagsasalita nang tumikhim ang daddy niya.
"S-sandali lang," nasapo ko ang noo ko dahil sa panandaliang pananakit niyon, marahil ay sa pagkalito. Agad namang nagsitayo ang mga tao roon at lumapit sa akin, maging si Jeremy ay mabilis akong kinapitan sa braso.
"O-okay ka lang ba? Gusto mo, tuwagin ko ang doktor mo? Matindi ba ang sakit ng ulo mo?" sunod-sunod na tanong ni Jeremy.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
