Chapter 20 *What's with Patricia?*

13.4K 211 54
                                    

Dedicated to Ji! Alam mong mahal kita, Ji at makakaasa kang lahat ng desisyon mo ay rerespetuhin ko. Nandito lang si ate para sa 'yo kung kinakailangan mo ng tulong ko hehe. GOD BLESS!

Sa lahat ng nagbabasa at nag-iintay ng update ko. Pasensya na at ito lang ang nakayanan ko. Masyado pa po kasing buhol-buhol ang wires ng utak ko kaya pasensya na po. Babawi nalang po ako sa mga susunod na chapters. God Bless everyone! Spread the love. <3

[Jeremy’s POV]

“Jem…” That voice seems to be a whisper not only in my ear but also in my heart.

Noon ko lang napansin si Liz na nakatayo sa may kalayuan bahagi ng opisina nila Patricia. She was staring at me and there was a sad expression written all over her face. Dagling nawala ang lahat nang galit na nararamdaman ko kani-kanina lamang dahil sa balitang natanggap ko...

Papaalis palang ako ng bahay kanina nang sabihin ni Mommy na nakapag-propose na daw si Jacob nang totohanan sa fiancé nito. My mother keeps on blabbering about my brother and Liz, how excited she was for her grandchild. And the wedding…

Nang marinig kong banggitin ni Mommy ang tungkol sa kasal ng dalawa ay doon na napatid ang lahat ng pasensya ko. I forced myself not to snap at my mother at ang tanging paraan lang para maiwasan kong maibaling ang init ng ulo dito ay ang magmadaling makaalis ng bahay. Kaya naman pagpasok ko palang sa opisina kanina ay mainit na talaga ang ulo ko. I thought I could live with it—knowing that Liz will become a part of our family only that she will become my brother’s wife…

Damn! Bakit ba hanggang ngayon hirap pa rin akong tanggapin ang katotohanang iyan? I told myself to move on pero sabi nga nila mas madali raw iyong sabihin kaysa gawin. At mukhang totoo nga 'yon dahil hanggang ngayon, I’m still in the process of moving on…

I snap at everybody kahit pa nga kay Patricia ay naging masungit ako. Pero tuwing tinataasan ko siya ng boses o kinukunutan ng noo mabilis pa sa alas kwatrong naku-konsensya ako. Hindi s’ya nagpapakita ng kahit anong pagkailang o pagkataranta tuwing tataas ang boses ko, but there’s something in her eyes that’s telling me—forcing me to stop. Pero imbes na pansinin ko ang konsensya kong iyon ay nagmamatigas pa ako. Mas nakadagdag sa inis ko na ang isang babaeng katulad nito ay may ganoong epekto sa akin. No, she’s just another girl.

Ngayon ngang nasigawan ko si Patricia ay may pagsisisi akong naramdaman ng makita ko ang gulat at takot sa mga mata nito ng tumingin ito sa akin. Pero katulad ng palagi ko ngang ginagawa, isinantabi ko ang pagsisising iyon. I need to be firm with my decision that she doesn’t have a slightest power over me.

Nang makita ko si Liz nang mga oras na iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Maybe, the reason why I feel guilty all of a sudden is the very reason that Liz is there. Napagkamali ko lang siguro ang pakiramdam ko kay Liz at kay Patricia.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon