Author's Note: Is it too late now to say sorry? Well, it's been a very long time since I start writing again. Totoo po na hindi naging madali para sa akin ang magsimula ulit na magsulat. Pakiramdam ko kasi ay hindi na sapat ang kakayahan ko upang makalikha ng akda ngunit may mga tao pa rin kasi na naghihintay at naniniwala sa akin kaya heto at sumubok ulit ako. Sana po ay tulungan ninyo akong ma-regain ang confidence ko sa pagsusulat kasi gustong-gusto ko po talaga. Mag-iwan po kayo nang comment para sa akin. Salamat po at God Bless! Enjoy reading.
Liz's POV
Hindi ko magawang ngumiti ng maluwag. Kakaiba kasi ang aking pakiramdam. Parang hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng isip ko na ikakasal na ako. Halos hindi nga ako nakatulog kahit kasi anong pilit ko sa sarili ay nagigising pa rin ako maya't maya. Hindi lang siguro ako sanay na hindi katabi si Jacob kaya ako nagkakaganito o baka ito ang tinatawag nilang wedding jitters. Pero kung ano man ito, sana naman ay lubayan na ako.
"Bakit parang hindi ka masaya?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Charlene. Ngumiwi pa ito ng sikuhin ni Megg dahil marahil sa pagiging intrimitida.
"Masaya ako," mahinang tugon ko.
"Masaya na 'yan? 'Yan na ba ang usong happy look ngayon, 'yong parang matatae na hindi mo mawari, 'yong totoo, 'te!" puno nang sarkasmong muli nitong tanong.
Napabuntong-hininga ako at pinakiramdaman muli ang sarili. Ni hindi ko magawang ngimiti sa biro ng kasama ko pero alam ko naman na masaya ako. Bakit naman magiging hindi eh araw kaya ng kasal ko. At ikakasal ako sa tanong mahal na mahal ko. Pero may kung ano kasi na bumabagabag sa akin na miski ako ay hindi ko mawari kung ano.
"Pakiramdam ko kasi," nag-alangan akong sabihin ang iniisip ko. Baka naman kasi mag-alala pa ang mga ito kung sakali. "Wala," sa halip ay sabi ko nalamang habang pilit na ngumingiti sa mga ito.
Lumakad palapit si Patricia, may alanganing ngiti sa mga labi nito. Sa totoo lang, natutuwa ako na kasama ito sa mga brides maid ko. Malakas kasi ang pakiramdam ko na mabait itong tao kahit pa noong una ko palang itong makita sa opisina ni Jeremy. Maganda rin ito at matalino. And I think something is between her and Jeremy. Hindi pa nga lamang malinaw kung ano iyon. Subalit kung papipiliin, ang tulad talaga nitong babae ang gusto ko para kay Jem.
"Ahm, baka naman kinakabahan ka lang kaya ka nakakaramdam na parang hindi ka mapakali," inabot nito ang isa kong kamay at pinisil iyo. "Everything will be okay. Huwag ka na masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Pumanatag ka lang. Isipin mo mayamaya lang kasama mo na si Jacob," muli itong ngumiti ngunit hindi tulad kanina, may halo nang encouragement ang mga ngiti nito.
Tumango-tango ako saka sandaling ipinikit ang aking mga mata. Humugot ako ng malalim na hininga saka muling nagmulat. Sinuklian ko ang ngiti nito maging ang pagpisil nito sa aking kamay. It helps a lot knowing I have three encouraging girl-friends with me.
"Kuu! If I know, nami-miss lang n'yan si Jacob n'ya kaya nagkakaganyan. Sus! Eh simula naman mamaya eh magiging sa 'yong sa 'yo na s'ya," may mapanuksong ngiti na naglalaro sa mga labi ni Charlene habang sinasabi iyan. Si Megg naman ay humahagikgik lang sa isang tabi.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...