Dian's Note:
Hello po! Ang first part po nang chapter na ito ay nasa third person point of view. Nawa'y mapanindigan ko ang sinusuong kong plot na ito hehehe! Anyways, enjoy reading! Leave some comments. Thank you and God bless!
A few moments before the accident...
"NAKA-SET na ba ang lahat?" paninigurado niya.
"Opo, boss. Nasa position na po ang mga tao natin. Hinihintay nalang po ang go signal ninyo," sagot nang lalaking naka-jacket na brown habang nakatingin sa mga screen nang TV at mino-monitor ang bawat galaw nang kaniyang mga kasamahan sa labas.
"Mabuti naman. Tandaan n'yo, hindi ako tumatanggap nang pagkakamali. Gaano man iyon kaliit, kailangan walang maiwang bakas na pinlano ito. Dapat lang na magmukhang aksidente ang lahat, naiintindihan n'yo?"
"Yes, boss!" sabay-sabay na tugon nang mga tauhan niya mula sa head set na suot niya sa tainga.
I've been waiting for this faithful day. Kung kalian maisasagawa ko na rin ang matagal ko nang binabalak na paghihiganti sa inyo. Magpakasaya na kayo Jacob at Liz, dahil baka ito na ang huling beses na magkakasama kayong dalawa. Or maybe, I'll get lucky and both of you will be gone for good.
Nangingiti siya habang iniikot-ikot ang sing-sing na nakausot sa hinliliit niya. Kung napansin man nang tauhan na kasama sa loob nang pinagtataguan nila ang mala-demonyong ngiti niya ay wala itong sinabi.
Sa isip nang tauhan, gagawin niya ang trabaho alang-alang sa malaking pera na ibabayad nang boss nila kapag napagtagumpayan ang pinaplanong krimen. Kailangan-kailangan pa naman nila nang pera ngayon para sa pag-aaral nang apat niyang mga anak kaya pikit-matang gagawin niya ang trabaho.
"Boss, nakalabas na po nang reception ang target, sinusundan na po namin sila," imporma nang mga tauhan niya gamit ang mga heat set na nakakabit sa mga tainga nila.
"Sige, sundan n'yo lang. Hanggat wala pa sila sa target area na napag-usapan natin ay huwag kayong gagawa nang kahit na anong hakbang, naintindihan n'yo? Ayokong mabulilyaso ang plano," mahigpit na bilin niya na sinangayunan naman nang mga tauhan niya.
Nakatutok lamang ang paningin niya sa TV screen na nasa harapan kung saan makikita ang nagiging pagsunod nang Ford pick-up nila sa sasakyan nang mga bagong kasal. At makalipas ang ilan pang minuto ay bigla nalamang nanlabo ang kuha nang camera na halos wala na siyang makita.
"Anong nangyayari?" may halong pagka-inis na tanong niya sa mga tauhan.
"Eh, boss biglang lumakas ang buhos nang ulan eh. Mukhang mayamaya lang ay hindi na namin makikita ang daan," muli ay imporma nang mga ito sa kaniya.
"Basta, sundan n'yo lang. Huwag kayong magpapasingit, tutukan n'yo para hindi mahiway sa paningin n'yo. Malapit nanaman kayo sa lugar, 'wag kayong sasablay kung hindi kayo ang mananagot na sakin," pagbabanta niya. Ilang segundo na walang nakaimik sa mga ito dahil alam ng mga ito na hindi siya nagbibiro. Subalit mayamaya lang din ay sumagayon muli ang lahat.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
