[Liz’s POV]
Six years ago
Hinahanap ko noon ang schedule ko sa bulletin board para sana kopyahin kaya lamang ay napakaraming katulad kong estudyante ang kumukuha rin ng sari-sariling schedule ng mga ito. Dahil hindi naman ako malaking tao kaya kahit anong gawin kong pagtingkayad ay hindi ko masilip ang hinahanap ko. Dahil rin sa pagsisisiksikan ng mga estudyante at pag uunagan na rin ay naitulak ako ng isa sa mga ito. Muntik-muntikanan na akong magtimbuwang sa kinatatayuan ko kung wala lamang sumalo sa mga balikat ko mula sa likuran.
“Hey! Wacth where your going!” bulyaw ng kung sino mang lalaki na sumagip sa akin
“S-sorry miss, hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga.” Tatarantang hinging paumanhin n’ong lalaking nakabunggo sa akin. Nagtataka namang tumango nalang ako dito at matapos niyon ay nagmamadali na muli itong umalis
“Ayos ka lang ba talaga?”
Habang papalingon ako sa lalaking sumagip sa akin ay nakahanda na ang ngiti sa mga labi ko pero natigilan ako ng makita ko ang muka nito. Isang guwapong lalaki ang nalingunan ko habang nakatunghay sa akin ang mga mapupungay na mata nito. Lihim akong napasinghap no’n ng unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.
“Wala bang masakit sayo?” tanong muli nito. Tanging iling lamang ang isinagot ko dito
“Hindi ka ba marunong magsalita?” nakangiti paring tanong nito
“Marunong” wala sa loob na sagot ko na ikinatawa nito. Bigla yatang bumilis ng ilang beses ang tibok ng puso ko ng marinig ang tawa nito.
“Ah, akala ko kasi ay hindi ka nakakapag salita. Tango at iling lang kasi ang isinasagot mo sa bawat tanong eh.” Aliw na aliw na sabi pa nito. Naramdaman ko naman ang pag iinit ng mga pisngi ko dahil sa pagkapahiya.
“Oy, namumula ka” namamaghang sambit nito “hindi ko akalain na may babae pala talagang namumula kapag nahihiya. Grabe ang cute!” ngiting-ngiting sabi nito habang tinititigan ako.
Sa sobrang kahihiyang nararamdaman ko noon ay walang sabi-sabing naglakad na ako palayo rito pero bago pa ako makalayo ay nakasunod na muli ito sa akin. Nagtataka namang tinignan ko ito.
“Anong course mo?” walang sabi-sabing tanong nito
“Secretarial” simpleng sagot ko
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...