Chapter 15 *New girl*

19.7K 252 71
                                    

[Jacob’s POV]

“Puwede bang tumahimik ka? May ginagawa ako oh.” Kunwari’y naiinis na sikmat ko kay Liz na noon ay inaagaw sa akin ang mouse habang nag iingay.

“Ang arte mo! Pahiram kasi!” Pilit nitong inaagaw ang mouse na kapit ko habang nakakunot noo. Nang tignan ko ito ng masama ay inirapan lang ako nito kaya ang nangyari tuloy ay napatawa ako imbes na masungitan ito. 

Nasa harap kami ng 72 inches LCD monitor sa entertainment room habang naka online ako sa facebook at kasalukuyang naglalaro ng candy crash. Kanina pa ito nagrereklamo dahil mas mataas na ngayon ang game level ko kaysa dito. Kung makapag malaki pa naman ito kanina na level 314 na raw ito at nilait-lait pa ako na 153 palang daw ang level ko. Ang hina ko naman daw. At ngayon nga, naungusan ko na ito sa loob lamang ng ilang oras. Lalo itong nainis dahil ilang linggo raw nitong nilaro iyon bago napunta sa ganoong kataas na lebel tapos ay minamani ko lang.

I like the camaraderie between us now and most of all, I like the way we sit side by side in this couch, body touching. But it’s not the intimacy that makes me want to pull her closer to me. It’s the way she makes me feel contented and happy. I never imagine that something as simple as siting in this couch will make me want a woman more than anything or anyone in this world.

  

I never imagine myself thinking romantic gestures but, with her sweet scent invading my nostrils, with her hair slacken across her face, with her frowning expression and angry eyes staring at me. I never, in my entire life wanting to have a woman and care for her, protect her, be gentle with her in every way I can just so she will stay here… with me.

In one swift move, I close the gap between us and touch her face. Iniipit ko ang ilang hibla ng buhok nito sa tainga nito saka masuyong nginitian ito. Gusto kong matawa dahil sa mababakas na pagkabigla sa mukha nito pero hindi ko ginawa dahil parang nahipnotismong napatitig nalang ako sa magandang mukha nito. Yes, she was very beautiful indeed. Maybe the most beautiful girl that I ever see. Ewan ko kung masyado na akong overrated at nakakaumay na ang mga sinasabi ko sa sobrang korni, but I really don’t care because what I’ve said is what I really meant to say.

Nginitian ko ito saka marahang hinagkan ang noo nito. Nang makalayo ako rito ay nakita kong nanlalaki ang mga mata nito. Iyon na yata ang automatic expression nito tuwing may ginagawa akong unexpected. Malamang na susunod na ang pamumula ng mga pisngi nito. And as if on cue, namula nga ang magkabilang pisngi nito at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan pang matawa ng malakas. Iyon na yata ang favorite expression ko nito.

“Stop laughing! Para kang baliw!” naiinis na sabi nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa noo na dinampian ko ng halik. Bahagya rin itong umisod palayo pero umisod lang rin ako palapit. Kumunot nanaman ang noo nito.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon