Dedicated to you! As I promise, this chapter is yours. Haha Thank you for reading and supporting this story. Thank you also for the wonderful feedback. God bless!
To everyone: Thank you guys! I appreciate all the comments and votes. God bless and take care![Liz’s POV]
Napapangiti ako habang patuloy na nakikinig sa mga kuwento ni mommy Lea–ang ina ni Jacob. Ang ginang ang nag insist na tawagin ko itong mommy. Tutal naman daw ay matagal tagal na ang nakalilipas mula ng ma “engaged” kami ni Jacob kaya puwede na itong humirit na tawagin kong mommy.
Sabik daw kasi ito sa anak na babae dahil nga pulos lalaki ang miyembro ng pamilya nito. Hindi na ako nakatangi pa dahil bukod sa nagsusumamo na ito ay nararamdam ko rin ang motherly gestures nito para sa akin.
She reminds me so much of my adoptive mother kaya hindi na ako nagpakipot pa at pumayag na. Noong mga unang beses ay medyo naiilang pa ako pero ngayon ay parang napaka natural nalang sa akin na tawagin itong ganoon lalo na at anak na anak na ang turing nito sa akin.
“I’m really glad na maayos na ang samahan ninyo ni Jacob.” Nakangiting pahayag nito. Nasa greenhouse kami ng mansyon ng mga ito ng oras na iyon. Niyaya ako ni mommy Lea kanina na bisitahin ang mga bulaklak nito. Gusto raw nitong makita ko ang isa sa mga pride and joy nito bukod sa butihing kabiyak at dalawang anak nito. Nagpaunlak ako sa paanyaya nito, tutal naman ay mahilig rin ako sa bulaklak. She was a biologist, specialization nito ang botany kaya mahilig ito sa mga halaman.
“He was starting to come back to his usual self. Thanks to you, Liz.” Ibinaba nito ang spray na hawak nito at hinawakan ang mga kamay ko saka masuyong ngumiti. “Thank you for bringing my son back to us.”
Sinuklian ko ang ngiti nito sabay pinisil sa mga kamay nito. “Wala naman po akong ginawa. Pero masaya po ako na malamang hindi lang pala puro kasungitan ang alam ng anak n’yong gawin.” Totoong-biro na tugon ko dito. Marahang natawa naman ito dahil sa sinabi ko.
“Naku, kung alam mo lang kung gaano kakulit ang mga ‘yan noong mga maliliit pa. Pero kahit na gano’n sila ay napaka su-sweet naman ng mga batang iyan. Mula pa noon, si Jacob na ang serious type sa dalawa at care free naman ang aking si Jeremy pero kahit na magkaibang magkaiba ang mga personalidad nila ay hindi sila pumapalya na pasayahin ako. They were both so loving and caring. Alam ko’ng ngayon ay nahihirapan kang paniwalaan ang mga sinasabi ko pagdating kay Jacob. Mapag mahal talaga ang batang ‘yan at sa kanilang dalawa na anak ko, ito ang mas naniniwalang dapat na seryosohin ang isang relasyon, naging ganyan lang naman yang batang since…” umiling-iling ito saka tinapik ang isang kamay ko. Kinuha na muli nito ang spray at saka ngumiti sa akin. Gusto ko pa sanang itanong rito kung ano ang nagyari pero pinigilan ko ang sarili ko. May tamang panahon naman siguro para malaman ko kung ano ang kuwento sa likod ng pagiging palaging mala menopause na ugali ni Jacob.
Na-curious talaga ako dahil sa nabiting pagku-kuwento nito. Ano nga kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang ugali ni Jacob ngayon? Bakit ito naging mapaglaro sa mga babae kung ang totoo naman pala ay mas gusto nito ng seryosong relasyon? Ang totoo ay hindi na ako masyadong nahirapang paniwalaan ang mga isiniwalat ng ginang tungkol sa totoong pagkatao ni Jacob dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako nito sinusungitan… kaunti nalang.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...