[Patricia's POV]
Nang makarating kami sa condominium building kung saan ito tumutuloy ay agad itong pumarada. Sumakay kami ng elevator at sinabi nito sakin kung anong floor ang pipintudin. My hands are full katwiran pa nito. Nang nasa labas na kami ng unit nito ay inutusan ako nitong kunin ang key card sa bulsa nito. Nag-alangan akong gawin ang iniuutos nito. Baka kasi mahawakan at makapa ko pa ‘yong ano nito. Mahirap na.
“Hahawakan ko nalang ‘yong isang bag, tapos ikaw na ang kumuha ng key card.” Suhestiyon ko rito.
“Mabigat ang bag. Ikaw nalang ang kumuha. Kakapain mo lang naman sa bulsa ko. Mahirap ba ‘yon?” Pinaningkitan ko ito ng mga mata ng mapansing nagpipigil ito ng ngiti. Mukhang alam nito kung para saan ang pag-aalinlangan kong kapain ang key card nito.
Fine! Kapag nahawakan ko ang ano n’ya, bahala s’ya.
I glare at him and fish out the key card in his pocket. Tuluyan na itong ngumiti ng nakasimangot kong i-swipe ang key card nito sa pinto ng unit. Bumukas iyon at nagmamadaling pumasok ako sa loob.
“Uy, disappointed s’ya kasi walang nakapa,” nang-aasar na komento nito.
Matalim ang tinging ipinukol ko dito. Ngumiti lamang ito at sinabing joke lang daw ‘yon.
I roam around the house and I found out that it was clean, organize and have a homey feeling. May tatlong kuwarto iyon na sa hula ko, ang isa ay nagsisilbing opisina nito. Ang isa pang kuwarto ay para sa guest at ang isa naman’y malamang na kuwarto nito. Parang biglang nangati ang mga paa kong halughugin at hanapin kung alin ba sa mga kuwarto roon ang ginagamit nito. That was a crazy thought so, I shook my head to clear it out.
Pumunta ako sa kusina nang tawagin ako ni Jem. I find that average chuck of space appealing, lalo na’t mayroong nakatayong Jeremy sa harap ng stove. Nakarolyo ang pale blue long sleeve nito hanggang siko, habang dalawang butones niyon ang nakabukas. I find it sexy—I find him sexy pero ang nagpawindang sa akin ay nang makitang nakapaa lamang ito. His toes looks sexy too! Sa palagay ko ay dapat na parusahan ang mga katulad nitong guwapo na, sexy to the bones pa!
“Can you help me, cutting those?” inginuso nito ang mga gulay at iba pang rekado na nakabuyangyang sa ibabaw ng lamesa. I roll my eyes to his question and get the knife as well as the chopping board and started to murder the poor ingredients.
Nakangiting umiling-iling ito saka ipinagpatuloy ang pagluluto.
Inobserbahan ko ang kilos nito sa kusina. Mukhang hindi ito nagbibiro nang sabihin nito sa akin kanina habang nasa biyahe na marunong itong magluto. Nagduda ako kung totoo iyon. Ang akala ko ay may binayaran itong cook upang lutuin ang mga pinamili ngunit, ngayong nakikita ko na ang pagiging at ease nito sa kusina ay masasabi kong sanay nga ito roon.
Hmm, husband material. Totoo iyon dahil nakita ko naman kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho at pamilya nito. Ito ang tipo ng lalaking masarap mahalin at masarap magmahal. Kahit naman kasi masungit ito ay masasabing sweet pa rin naman saka mukhang seryoso naman ito sa pag-aalay ng pagmamahal sa isang babae. Kung sana lang ay magawa na nitong ibaling ang pag-ibig nito kay Liz sa iba. Kaya lang, parang wala pa itong planong gawin iyon eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/4064551-288-k296060.jpg)
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...