Chapter 24 *What the hell?*

8.1K 175 20
                                        

[Patricia’s POV]

Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing nagagawi ang paningin ko sa nag-iisang tangkay ng pulang rosas na nakalagay sa pencil holder ko.

Nakikita ko kasi ang guwapong mukha ng lalaking nagbigay sa akin niyon—si Jeremy.

Ang mga nakalipas na araw ang ay maituturing na isang panaginip para sa akin. My heart definitely fall for him unconditionally. Hindi ko man sinasadya ay nangyari na talaga ang kinatatakutan kong mangyari. Nahulog na nang tuluyan ang loob ko sa kanya.

Una’t sapol pa lang naman ay alam ko nang posibleng manyari iyon. I try very hard to ignore him. Ilang bese kong pinaalalahanan ang sarili ko para lang huwag itong masyadong pagtuunan ng pansin, ngunit sa huli ay nanaig pa rin talaga ang tibok ng puso ko. Ngayon, ang problema ko nalang ay kung may pag-asa ba talagang maging kami.

Nitong mga nakaraang araw ay panay ang pagyayaya nitong lumabas, nakasanayan na nga yata namin na magsabay mag-luch at after office hours ay magdi-dinner kami sa labas kung hindi ito magpiprisintang ipagluto ako sa condo nito. Palagi rin ako nitong inihahatid at kung minsan ay sinusundo sa bahay. It feels like he’s courting me.

 

Kilig ka naman!

Siyempre, kinikilig talaga ako pero hindi ko iyon ipinapahalata sa kaniya. Maarte na kung maarte pero gusto ko muna sanang malaman kung kahit papaano ay magkapareho ang damdamin namin para sa isa’t isa.

He’s nice and extra sweet around me. Ni hindi ito pumalya na pasayahin ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos but there’s still something that I want so bad to hear from him. Makaluma nga siguro pero hindi naman siguro masama kung umasam ako ng isang romantic bone sa isang ‘yon. Isang salita lang naman ang hinihintay ko mula sa kanya ngunit para yatang kailangan ko pang maghintay ng matagal…

Bagaman ay nasasanay na itong hawakan ang kamay ko, halikan ako sa pisngi, noo at paminsa’y nagnanakaw pa rin ito ng halik sa labi ay hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang relasyon naming dalawa. Natatakot naman akong magtanong dahil baka mamaya ay masaktan ako sa isasagot niya.

It’s stupid, I know but for a woman in love, I just want to stay with him as long as he allow me to. Hihintayin ko nalang na siya na mismo ang magsabi sakin na may karapatan na ako sa kanya. Someday, I will be an authorize person who would take a claim on him.

Kapag nangyari iyon, tatatakan ko talaga ang noo niya nang salitang ‘taken’ para walang haliparot na umangkin pa sa kanya.

Patuloy lang ang pagtipa ng mga kamay ko sa keyboard para sa ginagawa kong report habang ang isip ko naman ay walang ibang laman kundi ang lalaking nagpapagawa sa akin niyon. Napangiti ako ng muli kong masulyapan ang bulaklak na—as usual ay bigay nanaman nito—nakalagay iyon sa pencil holder na katabi ng computer screen ko.

Ibinigay iyon ni Jeremy sa akin kanina matapos nitong ibilin na kailangan na raw nito ang report na ibinigay nito sa akin para gawin noong isang araw. Hindi ko maalis sa isip ko ang hitsura nito kanina ng ibigay sa akin ang bulaklak. Alanganin kasi ang ngiti nito at parang nahihiya. I surpass the urge to kiss him right there at that moment. Why, he looked so charming and desirable.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon