Chapter 34 *Wishful Thinking*

5.2K 135 57
                                    


Liz's POV


"NAGSISIMULA nang magsalita si Jared at ang kauna-unahang salita na namutawi sa bibig niya ang "daddy", palagi pa niyang itinuturo ang picture mo na nakalagay sa bedside table namin. Ayaw pa niyang humiwalay nang kama, gusto niya palagi lang s'ya sa tabi ko," natawa ako nang mahina saka tumayo para i-ayos muli ang mga bulaklak na nasa vase na katabi ng kama ni Jacob. "Para s'yang ikaw. Mahilig din kasing sumiksik sa tabi ko at hindi nakakatulog hangga't hindi ko hinahalikan sa ulo o kapag hindi ko sinasabihan nang good night. Magaling din magpaawa ang anak mo, again para nanamang ikaw. Tuwing may nagagawang kasalanan, alam na alam n'ya kung ano ang dapat n'yang gawin. Ikinukuha ako no'n nang bulaklak na palaging nakalagay sa plastic vase sa bahay na abot niya, then he's going to look at me with those amazingly apologetic eyes that he inherited in you."


Nang matapos kong ayusin ang mga bulaklak ay pinagpagan ko naman ang kama ni Jacob pati na ang kumot niya. Ini-ayos ko din ang unan ng aking asawa saka mabining hinaplos ang mukha niya. Nagsisimula nanamang kumapal ang balbas niya, malamang na ilang araw pa ay kakailanganin ko nanaman iyong i-shave.


"Kailan ka pa ba gigising? Miss na miss na kita," pagkausap ko sa kanya. Humugot ako nang malalim na hininga saka medyo ipinikit ang mga mata. Hindi maganda kung maabutan nanaman ako nang mga in-laws ko na umiiyak sa tabi ni Jacob. Ang mga ito kasi ang nakatakdang humalili sa akin nang araw na iyon dahil sinisipon si Jared, nagiging irritable ito kapag may dinaramdam at ayaw raw magpababa, iyak lang nang iyak at hinahanap ako sa bahay. Kaya napagpasiyahan namin nang mga in-laws ko na magpalit nalamang ng trabaho nang araw na iyon.


Tinitigan ko ang mukha ng asawa ko. Kung aalisin ang air-tube at ang iba pang mga suwero na nakakabit sa katawan niya, mapagkakamalang mahimbing lamang ang tulog niya. Naghilom na kasi lahat ng sugat sa katawan niya, although mas pale ang complexion niya ngayon kaysa dati. Normal lang naman iyon para sa isang tao na hindi nasisikatan nang araw.


Muli kong hinaplos ang mukha ni Jacob at nagpilit ngumiti bago ko siya muling kinausap. "It's already been three years, Jacob hindi ka pa ba babalik sa amin—sa akin? Hanggang kalian ka pa mabibimbing, ang dami mo nang nami-miss sa buhay ng anak mo. Sana naman ay mas lumaban ka pa, nasasa'yo na ang desisyon kung kailan ka gigising, at least iyon ang sabi ng doktor mo dito sa Pilipinas, iyon din ang sinabi nang doktor mo sa America bago ang pagta-transfer sa 'yo last year pero bakit hanggang ngayon wala ka pa ring malay? Ayaw mo ba kaming makasama? Hindi mo pa ba kami nami-miss?" tumalikod ako sa kaniya at nagpahid ng luha. Kahit na ilang beses ko nang sinabihan ang sarili ko na hindi ako dapat palaging nagiging emosyonal tuwing dadalawin ko siya ay hindi ko mapanindigan.


Araw-araw ko pa ring hinihiling na sana ay iyon na ang araw na magigising siya, sa tuwina ay nabibigo ako ngunit hindi pa rin ako sumusuko. Nagpapakatatag pa rin ako, kami nang pamilya namin para kay Jacob. Ayaw naming isipin na hindi na ito magigising, na we need to let him go. Hindi ko iyon matatanggap, naniniwala ako na magigising siya. Na malalagpasan niya ito, ipinangako niya sa akin na hindi niya ako iiwan at ngayon, after 3 years, iyon pa rin ang pinanghahawakan ko na babalik siya upang tuparin ang pangako niya sa akin.


Sana nga lang bilisan mo na, Jacob kasi may mga pagkakataon na parang hindi ko na rin kaya. May mga pagkakataon na pinanghihinaan na rin ako nang loob at natatakot ako. Kailangan kita kaya please naman, gumising ka na. Piping usal ko habang kinakalma ko ang aking sarili.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon