A/N Enjoy reading! God Bless! Thank you sa mga nag-comment at nag-vote sa previews chapter! 'Love you all! Mwah!
[Liz's POV]
Wala akong balak tumanggi sa kung ano man ang gusto niyang mangyari. I've been waiting for this to happen again. Because it will be our first nigh together. I mean, really together.
Lumayo ako sa kanya upang mapagmasda ko ang mukha niya. Nais kong matawa sa nakita kong reaksyon nito. Unti-unti kasing kumukunot ang noo nito, siguro ang akala nito ay tatanggi ako.
I smiled at him then I raise my hand and touched his cheek. Mula sa mga pisngi nito ay pinagapang ko ang kamay ko sa mga bagong tubong stubbles nito papunta sa kabilang pisngi at sa ilong nito. Pinisil ko iyon na lalo namang ikinakunot ng noo ni Jacob.
"What are you doing?"
"Touching you," nakangiti pa ring sagot ko sa tanong nito.
Sa sinabi kong iyon ay dahan-dahang sumilay ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito. Hindi pa man ito nagsasalita ay parang nahuhulaan ko na ang sasabihin nito. What a naughty guy.
"Love, I'd rather you touch me someplace else. Kung gusto mo, igapos mo pa ang mga kamay ko para hindi ako makapalag sa nais mong gawin sa 'kin," tumataas-baba ang mga kilay na sabi nito. "Willing naman akong i-surrender ang katawan ko sa 'yo dahil alam kong iyon lang naman talaga ang habol mo sa 'kin eh." pinalungkot nito ang tinig at nagkunwari pang napapabuntong hininga kaya naman wala na akong nagawa kundi ang mapatawa nalamang sa kalokohan nito.
"Hindi lang naman ang katawan mo ang gusto ko eh," banayad na hinaplos kong muli ang mukha nito. "This time, I want all of you." seryosong pahayag ko sa kanya.
He caught my hand and slowly, he lowered it to his mouth. He kissed it so tenderly my heart starts to beat a little bit faster than it already was. His eyes are dark as he looked at me with desire. Pero ang mas nagpahina ng mga tuhod ko ay ang sobra-sobrang pagmamahal na nasasalamin ko sa mga mata nito.
"Sabi ro'n sa kanta, 'I give you all of me, and you give me all of you'. So if you want to have my all, ang dapat mo lang gawin ay ang ibigay sakin ang lahat-lahat sa 'yo. 'Cause babe, I'm ready to beg just so you'll surrender your all to me," hinapit nito ang baywang ko at kinintalan ng magaang halik ang mga labi ko saka muli itong nagsalita. "I'm going to have you in our bed, in our house and while we're making love, I'll make sure you think of nothing but the two of us. Hindi ko man naipadama sa 'yo ang pagmamahal noong unang magsama tayo, handa naman akong iparamdam sa 'yo habang nabubuhay ako kung gaano kita kamahal ngayon. We may start in a wrong way but I'll make sure that we end it right. I love you."
Hindi ko malaman kung kailan nag-umpisang maglandas ang mga luha sa mga pisngi ko. Naging aware lang ako sa mga luhang iyon ng sapuhin ni Jacob ang magkabilang pisngi ko at punasan ang mga iyon. Matapos punasan ay hinalikan nito ang magkabilang talukap ng mga mata ko, ang ituktok ng ilong ko bago muli nito angkinin ang mga labi ko para sa isang maalab na halik.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...