For Shai, thank you for everything! You're a great writer, wonderful sister and it's my honor to be one of your friend. I love you at alam mo 'yan! God Bless. Heart heart.
[Liz’s POV]
May mga boses akong naririnig ngunit hindi ko maintindihan ang mga iyon. Pakiramdam ko rin ay umiikot ang aking paligid kaya naman kahit kaya ko na ay hindi ko magawang maimulat ang aking mga mata.
Nanghihina pa rin ang aking pakiramdam hanggang ng mga oras na iyon ngunit nag marinig ko ang pamilyar na boses nang isang lalaki ay parang bahagyang gumaan ang aking nararamdaman.
Hindi ko pa rin maintindihan ang mga salita na naririnig ko pero pinilit ko na ang sarili kong magmulat ng mga mata. Sa una ay nanlalabo ang aking paningin. Hindi magawang mag-focus ng aking mga mata at parang nahihirapan akong mag-adjust sa liwanag na aking natatanaw.
“You’re awake,” mahinang sabi ni Jacob. Agad na lumipad dito ang aking paningin at unti-unti ay nagawa ko nang mai-focus ang paningin dito. Ilang pagkurap muna ang aking ginawa bago lumunok upang kahit paano ay basain ang nanunuyo kong lalamunan.
“Jacob…” paanas kong sambit sa pangalan nito. Halos rugged na ang tunog ng boses ko at lumabas iyon sa bibig ko na parang hangin lamang sa sobrang hina. Pero nakita ko pa ring humakbang ito palapit sa akin at nang nasa tabi ko na ito ay agad nitong hinawakan ang kamay kong walang suwero.
“Thank God, you’re awake. I-I…” hinalikan nito ang kamay ko at pagkatapos ay ang noo ko saka nito muling tinitigan ang mga mata ko “you made me worried a lot. I’m not used to being worried, you know.”
I send him the sweetest smile I can muster at the time. And gladly, he return the smile to me at may bonus pa ngang mabilisang halik sa labi.
“Where’s our baby?”
“He’s okay. Ngayong nagising ka na, mayamaya lang siguro ay dadalhin na s’ya dito ng nurse. He’s,” napalunok ito at nakita kong humugot ito ng mamlalim na hininga. Kinabahan ako kaya napahigpit ang kapit ko sa kamay nito. Mukhang napansin nito na kinabahan ako kaya nagsalita muli ito. “He’s fine. Huwag kang mag-alala, healthy si baby. Ang gusto ko lang sabihin ay, napakaganda n’ya. Alam mo, hindi ko inakalang puwedeng gamiting adjective sa isang lalaki ang ‘beautiful’ but that’s what he is, He’s beautiful.”
Natigilan ako dahil sa nakita kong ekspresyon sa mukha nito. Para kasing proud na proud ito at bahagya ko ring napansi ang pagkinang ng mga mata nito. He was a wonderful sight and I’m so happy that I able to see it.
May sasabihin pa sana ito ng biglang may kumatok sa pinto. Hinalika muna nito ang kamay ko at saka tumayo at tumungo sa pinto upang buksan iyon. Napangiti ako dahil parang ayaw nitong mahiwalay sa akin kahit sandali. Nakakatuwang isipin na pareho kami ng nararamdaan.
Nang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse ay nagpilit akong umupo, masakit pa rin ang katawan ko lalo na sa parteng ibaba ngunit hindi ko na ininda pa iyon. Para ngang hindi ko na iyon napansin nang makita ko ang blue bundle na hawak-hawak ng isang nurse.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
