[Patricia’s POV]
Nagmamadaling bumaba ako ng kotse at patakbong tinungo ang ground floor elevator. Abot-abot ang panalangin ko na maabutan ko iyon dahil kung hindi ay tiyak na mahuhuli na talaga ako sa trabaho.
Mahirap pa naman ma-late at baka matiyempuhan pang masama ang mood ng boss kong bipolar.
Nakahinga ako ng maluwag ng makaabot ako sa naturang elevator. Napangiti ako at napailing nalang dahil sa pinaggagagawa at pinag-iisip ko. Pumihit ako paharap sa pinto ng elevator nang mahagip ng paningin ko ang isang pigura sa kanang bahagi ko. Noon ko lang kasi napansin na may kasama pala ako sa loob niyon.
Natulala ako dahil bumungad sa akin ang isang pamilyar na guwapong mukha. Hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita o kung nakita ko na nga ba ito. Nagulat pa ako ng bigla itong ngumiti kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. Wala akong panahon sa mga flirt ngayon.
“Hey, don’t you recognize me?”
Napataas ang isang kilay ko at dahan-dahang bumaling dito. Nakangiti pa rin ito habang nakahawak ang isang kamay sa batok nito na parang nahihiya. He was adorable pero teka nga, anong sabi nito? Kung hindi ko ba daw siya nakikilala? Bakit? Magkakilala ba kami?
“I’m sorry but I don’t know you, mister so please, don’t talk to me.” Mataray na sabi ko dito.
Akmang magsasalita pa sana ito ng bigla nalamang bumukas ang pinto ng elevator sa floor kung saan nandoon ang opisina namin. Agad na bumaba ako at nagmamadaling naglakad palayo habang hindi nililingon ang lalaki.
Lakad-takbo ang aking ginawa hanggang sa makarating ako sa opisina ko.
“Bravo! Umabot ka, girl. Muntik-muntikan ka nang ma-tyugi. Anong nangyari sa ‘yo at ngayon ka lang?” bungad agad ni Charlene o mas kilala sa pangalang Azmatz. Hindi ko rin alam kung bakit ang layo ng palayaw nito sa totoong pangalan niya pero hindi nalamang ako nagtanong pa.
“Naku, Patch buti naman at on-time ka dahil mainit nanaman ang ulo ni bossing. Kung nagkataon ay baka ikaw pa ang napag-buntunan ng galit no’n.” Dagdag ni Megg na isa pa sa mga makukulit kong ka-opisna.
“Oo nga. Para nanaman s’yang dragon. Ewan ko kung bakit ganoon nanaman ‘yon. Ikaw Patch? Alam mo ba kung anong nangyayari kay fafa Jem ko?” Maharot pang dagdag ni Az.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
