Jacob's POV
Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa unahan ng simbahan. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang nararamdaman ng mga tao na gagawa ng isang malaking hakbang sa buhay nila. I won't say I never imagine myself taking this kind of step in my life pero ilang taon ko bang pinagdusahan iyong pagkakataon sa buhay ko na naisip kong pakasalan ang isang babae. Ibang babae, si Yvett.
At ngayon nandito ako sa loob ng simbahan na ito, kinakabahan subalit hindi sa kadahilanang natatakot akong harapin ang kinabukasan na may kaagapay—may asawa. It's the opposite. Kinakabahan ako dahil nae-excite ako. Gagawa kami ni Liz ng aming sariling pamilya, we have Jared already. Maituturing pamilya na kami ngunit iba pa rin pala kapag iyon ay iaalay mo sa Kanya, iba pa rin kapag inihayag mo sa harap ng maraming tao na may pamilya ka. Na kaya mong maging isang asawa at isang ama. Masarap sa pakiramdam na hindi nalang ang sarili mo ang iniisip mo at inaalayan mo ng mga pagsisikap mo. Its nice knowing that there's something solid, dependable and incomparable just waiting to be yours. Liz. It will always be Liz for me.
Nang ganap na makarating sa unahan ay hindi na maalis ang ngiti sa aking mukha. Isa-isa kong pinanood ang pagpasok ng entourage. Mabilis ang tibok ng aking puso at may pananabik na hinintay ko ang babaeng aking makakasama sa mahabang panahon. Nang sa wakas ay masilayan na siya ng aking mga mata, parang gusto kong takbuhin na siya at hilahin papunta sa aking mga bisig.
Mas naging masuyo ang aking mga mata ng mapansin ang pamumula ng ilong, pisngi at maging ang mga mata niya na nagbabadya nanaman na maluluha anumang sandali. She is so beautiful. How can she be this beautiful? Ilang beses ko bang dapat na titigan ang mukha niya para masanay ang puso ko sa hitsura niya? Palagi pa ring ganoon ang epekto niya sa akin. Kulang ang sabihing, she took my breath away and with that, I promise myself to practice breathing whenever she's with me. Well, I've got a lifetime to learn how to control my feelings for this amazing beautiful woman whom I love so much.
After eons of years, she finally get to my side. Her eyes glistening with unshed tears. Ilang beses siyang kumurap at humugot ng hininga saka nagawang makapagsalita.
"You don't know how happy I am right now and how thankful," marahang bulong niya habang lumalakad kami patungon sa harap ng pari. At dahil hindi ko pa siya dapat na halikan, pinagkasya ko nalamang ang sarili ko sa pagpisil sa kamay niya. Mamaya nalang ako babawi.
Ang kaligayahan niya ang dahilan kung bakit ako nahuli. Sinundo ko pa kasi ang mga magulang niya galing sa airport. Ang mga ito ang surprise ko kay Liz, hindi ko ipinaalam sa dalaga na pinadalhan ko ng invites together with the plane tickets ang mga magulang niya na kasalukuyang nagbabakasyon sa Batanes ng mga panahong iyon.
Kahit hindi sabihin ni Liz ay alam kong gusto niyang makasama ang mga magulang sa araw ng aming kasal. At dahil nga binigla ko rin siya sa pagsasabi nang araw ng kasal namin ay hindi na niya nagawang maimbitahan ang mga magulang. I just want to take care of everything for her. Ayaw ko na sanang bigyansiya ng alalahanin subalit hindi pa rin maiwasan talaga na magkaroon ng aberya.
Hindi sumipot ang inupahan kong susundo sana sa mga magulang ni Liz sa airport kaya wala na akong nagawa kundi ako mismo ang pumunta. Papunta na sana ako ro'n sa simbahan ng tawagan ako ng mama niya. At dahil frustrated na, napagpasyahan akong ako nalang ang pumunta para sunduin ang mga ito. Nakakahiya rin kasi kung pagta-taxi-hin ko ang mga in-laws ko.

BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...