Author's Thank You Note

3.8K 58 16
                                        


The title said it all. Nais ko lang pong magpasalamat sa lahat ng mga taong nag-ubos ng data, naglaan ng oras at panahon upang basahin ang kwento nila Liz at Jacob.

Taos puso po ang aking pasasalamat sa iyong lahat. Hindi n'yo po ako sinukuan at ang kwento na ito ay parati ninyong binabalik-balikan. Salamat po. Hinding-hindi po mauubos ang 'salamat' sa bokabolaryo ko para po sa inyong lahat. Kayo po ang naging inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang isang bagay na alam kong mahal ko.

Nagdaan man po ang napakaraming taon, na-absorb man po ako sa trabaho ko, maniwala po kayo, hindi ko po sinadya na tumigil sa pagsusulat. Talaga lang pong dumating ang lahat sa punto na nawalan ako ng tiwala sa sarili ko.

At kayo pong mahihilig mag-comment sa mga gawa ko ang nagbigay muli sa akin ng lakas ng loob upang sumubok uli. Salamat po sa pagtuturo ng daan pabalik sa pagsusulat. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan.

THANK YOU PO! I LOVE YOU ALL AND GOD BLESS!


P.S. Baka po gusto n'yong basahin ang kwento ni Jeremy entitled: Begin Again hehe!

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon