Chapter 8 *New home*

21.5K 246 35
                                    

A/N Dedicated ito sa aking pinakamamahal na kambal. Hi kambal! Kaway-kaway, this chapter is for you! Thanks a lot for being with me from the very start of my journey of being a story teller. I appreciate it a great deal more that you’re still here for me. Thanks, thanks, thanks! God bless! Me loves you.

[Jeremy’s POV]

“Sir! Nakikinig po ba kayo sa mga sinasabi ko?”

Napatingin ako sa taong nasatabi ko habang ipinapaliwanang nito sa akin ang mga kailangan kong gawin sa mga susunod na araw sa linggong iyon pero ni isa sa mga sinabi nito ay pawang narinig ko lamang at hindi ko naintindihan. Bumakas ang pag-aalala sa maamong muka nito kaya naman naging alerto ako, agad naman akong ngumiti rito at sinikap ko na mag muka iyong masaya kahit pa kabaligtaran niyon ang nararamdaman ko.

“Sir, ah, ano, kasi baka pagod na kayo, kailangan n’yo po ba ng pahinga?” halatang nag-aalala pa rin si Liz base sa itsura nito. Agad naman akong umiling saka ngumiti ulit, sa pagkakataong iyon ay totoong ngiti na iyon.

Hindi man dapat ay masaya ako dahil nag-aalala ito para sa akin. Malaki ang naitutulong ng kaalamang iyon para pagaanin ang loob ko dahil sa kinahinatnan ng mga nagyayari. Dapat pala ay inako ko nalang talaga ang responsibilidad dito at nagpanggap nalang ako na ako ang ama ng magiging anak nito. Edi sana ako ang nasa katayuan ng kapatid ko ngayon.

Pinagsisisihan ko ang maling desisyon kong iyon at kung paanong hindi ako pinanigan ng ama ko sa desisyon ko. Handa naman talaga akong pakasalan si Liz kung pumayag lang sana ito. Pero ‘yon na nga ang problema ko, tutol na tutol ito sa kagustuhan kong iyon at matatag ang paninindigan nito na si Jacob dapat ang managot sa pagkakamali nito.

Kumunot ang noo ko at agad na naikuyom ko ang kamay ko dahil sa pagkakaalala sa kapatid ko. Wala akong pakielam kung nauunahan man niya ako sa lahat ng bagay, wala akong pakielam kahit pa mas madalas itong napapansin dahil sa mga achievements nito pero… pati ba naman sa kaisa isang babaeng ginusto ko ay aagawin nito ang posisyong dapat ay sa akin? Alam kong hindi rin nito gusto ang pasya ng aming ama pero wala itong nagawa dahil kahit anong pagpupumilit nito ay hindi nito nagawang baguhin ang desisyon nito. Pinagbantaan itong kukunin ang lahat ng yaman nito at itatakwil.

Para sa akin, kung ako ang nalagay sa  kaparehang posisyon nito at naiba lamang nang kaunti ang sitwasyon, katulad nalang na kung ipinalagay ng aming ama na ako ang itatakwil nito sa oras na akuin ko ang pananagutan kay Liz ay buong puso ko iyong tatanggapin. Walang pag aalinlangang iiwan ko ang lahat ng meron ako para sa kanya.

Maging ako ay nabigla dahil sa kaalamang iyan. Hindi ko rin alam kung anong meron si Liz at bakit handa akong isuko lahat ng meron ako makasama lamang ito pero kasi… kapag ito ang kasama ko parang wala akong dapat na itago, na puwede akong maging ako lang mismo no spark, just the plain me. And I love being in her company. At alam kong hindi iyon ma-a-appreciate ng kapatid ko.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon