Chapter 7 *Arrangement*

22.3K 240 38
                                    

A/N Ayun! Pasensya na po ulit at ito lang ang kaya ko hehehe Salamat po ng maraming marami sa patuloy na bumabasa nito. God bless po!

[Liz's POV]

Maaga akong pumasok sa opisina, hindi dahil hapit akong magtrabaho. Ang dahilan nito ay dahil hindi na ako napagkatulog pa. Okupado ng mga nagyari kahapon ang isip ko at iyon siguro marahil ang dahilan kung bakit kahit nakatulala lang ako sa bubong ng bahay na inuupahan ko ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Walang ganang umupo ako at nag umpisang maghalungkat ng mga dokumento. Siguro, kapag nagawa kong ibaling ang isip ko sa trabaho at hindi sa maka-wasak mundong napag usapan kahapon ay makakahinga na ulit ako ng maluwag kahit panandaliaan lang.

His parents wanted me to marry him. That was the absolute ridiculous thing I’ve ever heard!

Paano magsasama ang dalawang taong kahit minsan ay hindi nagustuhan ang isa’t isa? We just have a night! I have to admit that it scared the hell out of me to think about the baby, to become a single mother but with our condition–mine and Jacob’s–marriage was next to impossible! Becoming a single parent was the most logical way for both of us kaysa naman mabuhay kami pareho na puno ng pagsisisi.

Napabuntong-hininga ako dahil sa naisip. Kung hinayaan manlang sana ako ng mga magulang nila Jacob na pag-isipan ang magiging sagot ko para sa suhestiyon nila na pakasalan ang anak nila… pero inyon na nga, bukod sa binigla nila ako kahapon ng sabihin nila ang pasya nila, hindi manlang ako binigyan ng mga ito nang panahon para pag isipan iyon. Napayukyok ako sa lamesa ko, sumasakit na talaga ang ulo ko dahil sa puyat at sa sobrang kaiisip ng dapat kong gawin.

Mamaya ay gagawin nang legal ang napagkasunduan. Sabi kasi ni Mr. Kifler ay pagagawan na agad niya ng kasulatan ang usapin at mamaya nga ay pipirma na kami upang gawing legal iyon. He was going to marry me after the baby is born and was finished undergoing in to a DNA testing.

Naiinis na napaupo ako ng tuwid. Iyon pa ang isang dahilan kung bakit nagngingitngit ang kalooban ko. Kailangan pa raw ipa-DNA test ang bata para makasiguro si Jacob na sa kanya nga ito. Ang tinamaan ng magaling na iyon! Anong akala nito? Na nangloloko lang ako? Bakit ko naman iyon gagawin? Kung may gusto man akong pikutin sa kanilang pamilya ay iyon ang kakambal nito. May sayad nalang sa ulo ang babaeng gugustuhing makasama ito ng pang habang buhay!

Nanggigigil na binuksan ko ang computer ko at nag umpisang mag trabaho kahit pa nararamdaman ko na ang epekto ng dalawang oras na tulog.  Ibubuhos ko nalang ang buong atensyon at lahat ng enerhiya ko sa trabahong ko. Bukod sa mas mabilis iyong gawin ay mas reasonable at madali iyong intindihan.

“Buti naman maaga ka” I almost roll my eyes heavenwards when I heard that irritating voice of his “We need to talk!” sabi pa nito

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon