Chapter 26 *He's so confusing*

8.4K 209 36
                                    

[Patricia’s POV]

Napapangiwi ako sa sakit na paulit-ulit na gumuguhit sa may bandang puson ko. Dapat talaga ay hindi ako papasok ng araw na iyon dahil sa cramps na paminsan-minsan kong nararamdaman tuwing may period ako subalit nagtext ang boss ko at kabilin-bilinan nitong pumunta sa opisina nito dahil may kailangan daw itong ipagawa sa akin.

Sinubukan kong sabihin dito ang kondisyon ngunit ayaw nitong makinig.

“I don’t care whatever ‘personal emergency’ you have right now. You need to come to the office”

Iyan ang sagot nito sa text ko na may personal emergency akong kinakaharap kaya hindi ako makakapasok ng araw na iyon ngunit hindi ito nakinig. Kaya naman kahit masama ang pakiramdam ay pinilit ko ang sariling bumangon at mag-ayos para makapasok.

Mag ha-half day nalang siguro ako, o kaya naman ay kukuhanin ko nalang ang mga trabahong ipapagawa nito at sa bahay ko nalamang tatapusin.

Nang makalabas na ako ng elevator ay nakasalubong ako ang isang guwapong lalaki. Nakatingin ito sa folder na hawak at wari’y may binabasa doon habang lumalakad ng mabagal patungo sa hanay ng mga elevator kung saan ako nanggaling. Napatingin ako sa mukha nito ng mag-angat ito ng tingin saakin nang nasa tapat ko na ito. Ngumiti ang lalaki kaya napakunot ang noo ko.

“Hi,” nakangiti pa ring bati nito saka tumigil sa paglalakad at hinarap ako.

“Do I know you?” pagtataray ko rito. Natatandaan kong ito ang parehong lalaki na nakasabay ko noon sa elevator. Ano kayang problema nito at palagi ako nitong nginingitian?

Umiling-iling ito na tila hindi pa rin makapaniwala. “Hindi mo pa rin ako natatandaan? O sadyang kinalimutan mo na talaga ako?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” totoong hindi ko maintindihan kung ano ang ipinupunto nito. Kung nagkakilala man kami, tiyak na matatandaan ko ito ngunit kahit noong una ko itong nakita ay wala akong kahit ano mang maalala tungkol sa lalaki.

Nagkibit ito ng balikat saka marahang ngumiti. “Siguro pinili mo nalang na huwag talaga akong alalahanin,” umangat ang kamay nito at inilahad iyon sa akin. “It’s me, Hiro. ‘Yong naka-one night stand mo.”

Kulang ang sabihin na nagulat ako sa itinuran nito. Halos manlaki ang aking mga mata at malaglag ang aking mga panga dahil sa pahayag nitong iyan

 

One night stand? Pero...Pero virgin pa ako! And I never do such a thing!

Bago pa man ako makapag-react sa sinabi ng magaling na lalaki ay may tumwag na rito mula sa aking likuran.

“Hiro, it’s been a while,” anang familiar na boses.

“Cousin!” agad itong naglakad patungon sa tumawag dito at hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang kasama nito.

I took a deep breath and slowly turn to them. And there, stood the man who just land a bomb on me and the man who make my heart skip a beat every time I saw him. Jeremy.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon