First of all I want to say thank you for all the readers out there. I really appreciate all your feedbacks and votes. Second, I'm really sorry for the slow update, I'm kinda busy with my work hehe. Third... God bless you all! I love you with all my heart and thank you again!
Dedicated to her! Hi! As I promise, this chapter is your! God bless and thank you.
[Liz’s POV]
Nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa nakabukas na laptop. Paulit-ulit na binabasa ko ang email na ipinadala sa akin ni Sir Arnold–ang tatay nila Jacob. Hindi ko ba alam kung dapat kong i-pagpasalamat ang nakasulat doon o dapat na akong mabahala. Na-a-appreciate ko na concern ito para sa kalusugan namin ng magiging apo nito pero ano naman ang gagawin ko sa bahay kung iginigiit nito na hindi ako puwedeng magtrabaho? Napangiwi ako dahil sa naisip.
Ayon kasi sa ipinadala nitong sulat ay nakakuha na ito ng panandalian ipapalit sa puwesto ko bilang sekretarya ni Jeremy. Gusto nitong magpahinga nalang ako sa bahay at mag relax dahil nag alala raw ng husto ang asawa nito nang mabalitaan na nagkasakit ako. Kaya ayaw na ni Sir Arnold na pumasok pa ako at magtrabaho. Napabuntong hininga ako. Ngayon nalang ulit may mga taong nag alala para sa kalagayan ko kaya naman nakakapanibago.
Naputol ang pagiisip ko ng biglang tumunog ang cell phone ko. Dinampot ko iyon at muli nanaman akong napakunot noo ng makita ang pangalan ng nagpadala ng mensahe. Si Andy iyon. Hindi ko malaman kung paano nito nakuha ang number ko pero hindi rin naman na nakakapag taka iyon dahil marami itong koneksyon. Nagtangis ang mga bagang ko ng mabasa ang nilalaman niyon.
You better see me or else, I’ll pay a visit to your future in-laws and tell them what a whore was their soon to be daughter-in-law.
What a jerk! Hindi iyon ang unang pagkakataon na sinubukan ni Andy na makipag kita sa akin pero sa tuwina ay ini-ignora ko na nalang ang mga banta nito. Wala na akong pakielam kung ano pa ang sabihin nito. Hindi ko na ninais pa na magkaroon ng kahit na anong koneksyon dito mula noong araw na itinapon n’ya ako na parang basura. I don’t know what he is up to but I’m pretty sure that it’s not good.
Hahayaan ko nalang sana ulit ito at hindi na papansinin ang i-tinext nito ngunit bago ko pa maibaba ang aparato ay muli nanaman iyong tumunog. Sa pagkakataong iyon ay MMS ang ipinadala ng damuhong si Andy. Binuksan ko ang ipinadala nito at sa pagkagimbal ko ay napatayo ako sa kinauupuan ko. Nanginginig ang kamay na pinakatitigan ko ang litratong galing dito. Naitakip ko ang isa pang kamay ko sa bibig ko habang patuloy sa mabilis pagtaas at baba ang mga dibdib ko dahil sa sobrang emosyon na nararamdama ko.
It was a picture of us before… during the night we did it. I can see my naked body on a bed with a crumpled sheet. My hair was tousled around my face and at that moment blurry images of what might happen that night started to pop inside my head. We we’re there, on that bed, synchronizing with every move of our body that was pressed together as one. The night was young and so are we, he was taking me hungrily…
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
Fiksi UmumJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
