Jacob's POV
I woke up just after 8 AM at kahit na may bilin na ang doctor sakin na natural lang daw na makadama pa rin ako ng pananakit ng ulo or disorientation now and then, I thought he just meant it as a warning so I would not attempt to work immediately. But damn! The pounding in my head is killing me!
Inabot ko ang gamot na inireseta ng doctor sa akin just in case mangyari nga daw ang nangyayari na ngayon. Inimom ko ang gamot ng walang tubig, basta ko nalang iyon nilunok at muling sumandal sa headboard ng kama ko. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at hinintay na umepekto ang gamot.
Ilang sandali ang nakalipas ng makadama ako ng ginhawa, unti-unti nang nawawala ang pananakit ng ulo ko ng bigla nalang may kumatok sa pinto. Napamura ako sa sarili dahil biglang parang sumabay nanaman ang sakit ng ulo ko sa tunog ng pagkatok.
"Damn it! Stop knocking on the damn door!" wala akong pakialam kung sino ang kumakatok basta ang gusto ko lang ay tumigil na ito.
"I'm sorry, are you okay?" bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Liz.
Well, I don't feel amicably upon seeing her now. "'Wag mo nga akong hawakan! At sinong nagsabi sayo na pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?" Puno ng pagkairitang sabi ko dito at ang tanga naman, tumunganga lang sa akin. Hindi yata naintindihan na ayaw kong nandoon ito.
"I-I just thought you need some—"
"I don't need you," matalim ang tinging ipinukol ko sa dito "Now, get the hell out!"
May kung anong bumalatay sa mukha nito pero wala akong panahon para alamin kung ano iyon at isa pa, wala naman talaga akong pakialam kung ano ang nararamdaman nito. Kahit sino man ang nasa posisyon nito ngayon, talagang makakatikim sakin ng hindi magagandang salita.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at walang lingon-likod na naglakad palabas.
Huminga ako ng malalim at isinandal muli ang ulo at likod. Naisip ko na kapag hindi humupa ang sakit niyon ay iinom ulit ako ng isa pang gamot. Pero makaraan naman ng ilang minuto pa ay naramdaman kong nawawala na ulit ang pagkirot niyon, ngunit kasabay ng pagkawala ng kirot ay ang paggupo sakin ng antok na inaasahan ko naman dahil iyon ang side effect ng gamot. How pathetic is my situation right?
Then I drifted into the dream that seems to be not a dream.
Maliwanag ang sikat ng araw pero hindi niya iyon maramdaman sa balat niya. Pamilyar sa kanya ang lugar, sa garden ng mommy niya and then he saw her—Liz—standing in the middle of the garden, surrounded with flowers, her face was lifted to the sun, her eyes were closed and a single rose was pressed to her cheek. It stirs something in him and he doesn't like it. Not a bit. But looking at her feature he felt at peace and then he heard a voice calling to him...nagging and calling to him...
"Jake...Jake! Wake up honey."
"Mom..." naguguluhang bumangon ako nang makitang may bahid ng pag-aalala sa mukha nito. "Anong ginagawa n'yo dito sa kwarto ko?" nagtatakang tanong ko nang makita kong nandoon din ang daddy at kapatid ko.
"Sabi kasi ni Liz ay masama ang pakiramdam mo at puntahan daw kita dito sa kwarto mo," hinimas nito ang buhok ko na para akong bata. "Nung kumakatok naman ako ay walang sumasagot kaya tumuloy na ako. Nakita kitang natutulog pero nung ginigising kita ay ayaw mo naman magising kaya nataranta ako at tinawag ang daddy mo, sumama na rin si Jeremy," ngayon naman ay hinaplos-haplos nito ang braso ko. "Masama ba talaga ang pakiramdam mo? Gusto mo bang pumunta na tayo sa ospital?" bago ako maksagot ay lumingon na si mommy kay daddy "Arnold, mas mabuti siguro na dalhin na natin s'ya sa ospital," narinig ko ang pagpapanic sa boses ng mommy ko kaya naman kinapitan ko ang mga kamay nito at bahagya ko itong nginitian.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
Narrativa generaleJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
