Liz's POV
Kapunapuna ang panginginig ng aking mga kamay habang nakakapit sa manibela. Masyado ring mabilis ang tibok ng puso ko pero wala naman na akong oras para pakalmahin pa ang aking sarili. Kailangang makarating agad kami sa bahay nila Jacob at makita ng sarili kong mga mata na maayos ito. Isinama ko na rin ang mama ko at si Jared papunta roon dahil kahit ang ina ko ay nag-aalala rin. Ang papa naman ay may inaasikasong ibang lakad kaya walang mapag-iiwanan kay Jared. Hindi marunong magmaneho ang aking ina kaya wala kaming choice kundi ako ang magmaneho nang sasakyan.
Bandang tangahli kanina ay tumawag si Jeremy at sinabing nawalan daw ng malay si Jacob dahil sa sobrang pananakit ng ulo. Tinawagan ni daddy Arnold ang family doctor ng mga ito na agad namang pumunta sa bahay. Sinabi raw ng doctor na hindi naman kailangang dalhin si Jacob sa ospital dahil conscious na itong muli, kailangan lang daw nito ng pahinga at baka dulot ng stress kaya ito nagkakaganoon o dahil nagkaroon ito ng mga flashbacks. Hindi pa malinaw sa akin kung alin sa dalawa ang dahilan ng nangyari dito.
Pagtapat ng sasakyan sa bahay ng mga ito ay agad akong bumaba ng sasakyan at hinayaan na ang driver ng pamilya ang magpasok ng sasakyan namin sa garahe. Dumiretso ako sa loob ng bahay na kapit-kapti ang kamay ni Jared.
"Jem," nag-aalalang tawag ko dito ng ito ang mabungaran ko sa loob ng bahay.
Agad ako nitong dinaluhan at kinapitan sa dalawang braso. "Okay lang s'ya. Nagpapahinga nalang s'ya sa taas. Kumalma ka, baka ikaw naman ang himatayin kung hindi mo aayusin ang sarili mo." May pag-aalalang sabi nito.
"O-okay lang ako." Pag-a-assure ko dito pero umiling lang ito at sinabihan siyang huminga ng malalim at dahan-dahang pakawalan iyon. Sinunod ko nalang ang sinabi nito saka muling nagsalita. "Anong bang nangyari? Bakit na-trigger nanaman ang pananakit ng ulot n'ya?"
Nakita ko ang pagdaan ng pag-aalangan sa mukha nito kaya kinapitan ko ang isang kamay nito na nakakapit sa braso ko at pinisil iyon. Bumuntong-hininga ito saka tumingin muli sa akin. "We're arguing about..." sinulyapan nito si Jared saka bumalik ang tingin sa mukha ko. "We are arguing and we are asking him what happen between the two of you, but along the way biglang sumakit ang ulo n'ya at bigla s'yang nawalan ng malay."
Kulang na kulang ang paliwanag nito pero naiintindihan niya na ayaw nitong marinig ni Jared ang iba pang detalye. "You argued?" Naniningkit ang mga matang tinitigan ko ang namamasa nitong pisngi.
Nagkibit lamang itong ng balik saka tumalungko at nginitian si Jared. "How are you, champ? Ang tagal na yata nating hindi nagkita ah. Parang lumaki ka na agad."
Proud na tumayo ng tuwid si Jared saka ngumiti ng sobrang lawak na nagging dahilan upang makita ang mga dimples nito. "I always drink my milk and I sleep on time, Tito." Nagmamalaking pag-imporma nito kay Jeremy.
Tumawa ng malaka ang huli saka ginulo ang buhok ng pamangkin. "I think you will be as tall as this house if you keep it up." Tumaas-baba ang mga kilay ni Jeremy habang sinasabi iyan kay Jared at ang anak ko naman ay namilog ang mga mata saka tumingala para tignan ang ceiling ng bahay.
"Really?" Namamanghang inalis nito ang pagkakakapit sa kamay ko at lumapit kay Jeremy. Inilagay nito ang mga kamay sa magkabilang balikat ni Jeremy saka muling nagsalita. "Tito, really? Is that possible?"
"Really, really. Magiging giant ka then this house will just be as big as your toys because you've grown too much." Habang nagsasalita ay kinakarga ito ni Jeremy. Humagikgik si Jared ng halikan ito ni Jem sa pagitan ng leeg at balikat nito.
"That's silly but amazing silly." Natatawa pa ring pahayag ni Jared.
It always makes her smile no matter how bad a day she had. Palagi siyang napapangiti tuwing magkasama ang mag tiyuhin. Jeremy had been the father figure for Jared habang lumalaki ito. Parati ko iyong pinagpapasalamat kay Jem at sa tuwina ay sinasabi nito sa kaniya na gusto nito ang ginagawang pakikipag bonding sa pamangkin kaya hindi ko raw kailangang magpasalamat.
![](https://img.wattpad.com/cover/4064551-288-k296060.jpg)
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...