[Liz’s POV]
Naiinis na kinapa ko sa ilalim ng unan ang cell phone ko dahil tumutunog iyon. Hindi ko dapat iyon papansinin pero parang ayaw magpaawat ng kung sino mang tumatawag doon dahil kanina ng unang tumunog ang cell phone ko ay hinayaan ko ito pero ito nga at muli nanamang tumunog.
Nang hindi mahagilap ng mga kamay ko ang aparato ay marahas na iminulat ko na ang mga mata ko at napakunot noo ako ng makitang nakapatong iyon sa ibabaw ng side table. Kahit na namumugto ang mga mata ko at nakakaramdam ng sakit ng ulo dahil sa kakaiyak kagabi ay natatandaan kong inilagay ko iyon sa ilalim ng unan ko na nakagawian ko nang gawin kahit noon pa. Kaya naman nakapagtatakang nakapatong ito ngayon sa ibabaw ng lamesa.
Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at hindi na pinansin pa, naririndi narin kasi ako sa pag iingay ng cell phone kaya naman sinagot ko na ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
Nakahanda na akong pagsungitan kung sino man ang nasa kabilang linya ng mahimigan ko ang pag aalala sa boses ni Jeremy.
“Eliza, thank God at sa wakas ay sinagot mo na ang cell phone mo. Kagabi pa ako tumatawag sayo pero hindi mo sinasagot. Ayos ka lang ba?”
Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito dahil ng akmang magsasalita ako ay noon ko lang napansing masakit rin pala ang lalamunan ko at halos walang boses na lumabas doon.
“Liz? May ginawa bang masama sayo si Jacob? Nasan ka na ba? Pupuntahan kita.”
“Jem, ayos lang ako. Nasa bahay pa rin ako ngayon dahil medyo sumasakit ang ulo at lalamunan ko. Puwede bang huwag na muna akong pumasok sa opisina ngayon?” pinilit kong makapagsalita kahit na pakiramdam ko ay tuyong tuyo ang lalamunan ko.
“Oo naman. Magpahinga ka nalang muna ngayon at kung gusto mo ay pupuntahan kita ngayon d’yan.”
“Huwag na, ayos lang ako, medyo napuyat lang siguro.” Matapos kong sabihin iyan ay nagtangka akong bumango sa kama pero parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit niyon kaya naman napahiga at napapikit ako ng mariin. Ano ba yan! Kasi naman eh, ang daming drama ang nalalaman, ayan tuloy! Naiinis na himutok ko sa sarili.
“Sigurado ka? Alam kong wala kang makakasama d’yan ngayon eh, nakita ko na si Jacob na pumasok sa opisna nito kanina.” Kahit hindi ko ito nakikita ay alam kong nagbago ang ekspresyo ng muka nito dahil sa pag banggitin ang pangalan ng kapatid dahil nag-iba rin ang tono ng boses nito.
“Jem, ayos lang talaga ako. Wag ka nang mag alala. Ipapahinga ko lang ito at magiging okay na ulit ako.” Pag a-assure ko dito pero habang tumatagal ang usapan namin ay lumalala naman ang pagpintig ng sakit sa ulo ko. Napapapikit ako ng mariin dahil doon.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
