Chapter 23 *Are you Trying to Seduce me?*

12.1K 275 43
                                        

Dedicated to my ever loving, ate S! Sorry ate if I'd done you wrong. Pasensya na rin po sa pagiging pasaway hehe. God Bless and I love you po! Salamat nang marami sa lahat! Heart heart!

[Liz’s POV]

Kasalukuyang nag-eempake ako nang mga gamit habang si Jacob naman ang nag-aayos niyon sa maliit na traveling bag na dala-dala nito. Nasabihan na kasi kami ng doktor na puwede na raw akong umuwi kasama si Jared. May ilang mga test result pa kaming hiniintay pero minor nalang naman daw ‘yon sabi ng doktor at hindi na daw namin kailangang manatili sa ospital para lang mahitay pa iyon. Tatawagan nalang daw nila kami kung sakaling lumabas na ang mga resulta.

Ikinatuwa ko ang kaalamang iyon dahil nabuburo na rin naman ako sa ospital. Ni ayaw akong pakilusin ni Jacob kahit pa alam nitong maayos na ang lagay ko. Nakakainis din minsan ang ma-spoil ng sobra sobra.

Akmang bubuhatin ko na ang traveling bag nang agad iyong hablutin ni Jacob mula sa kamay ko at ito na ang nagsukbit sa balikat nito. Nakangiwing tinapunan ko ito ng tingin.

“Nanganak po ako, hindi naaksidente at naimbalido.” May halong pagkainis na sabi ko rito.

“I’m just making sure, okay? Baka mabinat ka pa n’yan. Will you just let me take care of you without any argument, please?” Kalmanteng tanong nito. I just sigh and give up. Bahala na nga s’ya sa gusto n’ya.

“Nasan na nga pala si Jared?” narinig ko itong tumawa dahil sa tanong ko kaya mahinang pinalo ko ito sa braso.

“What?” natatawa pa ring tanong nito saka ibinaba ang bag sa ibabaw ng kama at sa aking pagtataka ay niyakap ako nito. “Na miss ko ‘tong gawin,” bulong pa nito na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

“A-ano ba? Pakawalan mo na nga ako. Mamaya n’yan may nurse pang makakita sa ating dalawa, kung ano pa ang isipin no’n.” Hindi ako nito pinansin, bagkus ay inilapit pa nito ang ilong sa buhok ko at hantarang sininghot-singhot iyon na lalong nakapagpainit ng mga pisngi ko.

“J-Jacob… Lumayo ka nga,” mahinang itinulak ko ito ngunit hindi naman ito natinag at patuloy pa rin sa pag-amoy sa buhok ko.

“Hmm? In a minute. It has been a long time since I was able to get near you like this, to smell you like this. I missed it a lot. So don’t move, okay? I’m trying to concentrate.”

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at parang itinulos na nga rin ako sa kinatatayuan ko habang yakap nito. Nang akmang magsasalita na ako matapos ang ilang minutong panunuyo ng lalamunan ko ay naunahan nanaman ako nito.

“Your heart beats fast. Are you okay?” Bahagyang inilayo ako nito sa katawan nito upang titigan ako sa mukha. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala.

“I… I’m okay,” I manage to say in a husky voice.

“Are you sure? Namumula ka eh.” I roll my eyes when he turns my head from left to right, as if to check my face for a sign that something’s wrong.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon