Chapter 9 *Penalty kiss*

20.9K 219 36
                                    

A/N Salamat po ng maraming marami sa mga nagaabalang mag comment at mag vote nito. Enjoy reading! God bless and thank you so much!

Dedicated to kay aryhanz! Thank you po sa pagsumabybay mo dito at salamat rin ng marami dahil nagre-replay ka sa mga message ko HAHA. Thank you sa mga tawa na ibinigay mo sa akin. I really appreciate it a lot so thank you thank you! :) God bless you more! Mwah! :*

 

 

[Liz’s POV]

Nagngingitngit na umupo ako sa likod ng office desk ko at pabalagbag na binuksan ang computer ko. Buwisit talaga!

inspiriting

“Liz, ayos ka lang?” tanong ng kasamahan ko na sekretarya rin. Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang mga pabalagbag na pagkilos. Hindi nanaman ito nagsalita pa ulit pagkatapos kaya nasolo ko nang muli ang init ng ulo ko.

Kadalasan akong ganito tuwing mainit na mainit ang ulo ko. Hindi ako nagsasalita at tumatango nalang kapag may mga nagtatanong. Ayoko kasing may iba pang tao na madamay sa init ng ulo ko kaya naman minamabuti kong solohin nalang ‘yon kaysa naman may matarayan pa ako kapag may hindi ako nagustuhan sa mga sinasabi ng mga ito. Buwisit talaga!

Naiinis ako ng sobra dahil lang sa isang mababaw na dahilan at inaamin kong kasalanan ko rin naman pero… Nandoon naman s’ya diba? Maanong katukin n’ya ako at gisingin, ang buwisit na lalaking ‘yon talaga!

Late na ako nakapasok sa trabaho ko dahil tinanghali ako ng gising. Lately kasi ay nahihirapan na talaga akong gumising nang maaga, kahit anong pilit ko sa sarili ay hindi ko talaga mapigilan. Morning person ako pero dahil siguro sa pagbubuntis ko kaya ako nagkakaganito. Nabasa ko lang na mayroong tinatawag na ‘Morning Sickness’ ang mga babaeng buntis. Ang ikina-iinis ko lang ay ang walanghiyang lalaking kasama ko sa bahay. Hindi manlang ito nag effort na manggising ng kasama at talaga nga namang ang sarap n’yang patayin dahil iniwan n’ya talaga ako ng tulog. Sa madaling salita, umalis ito ng wala akong kamuwang-muwang!

Ah, buwisit talaga s’ya!

Napakababaw na dahilan lang n’yan pero kuntodo ako makadama ng inis dito. May parte kasi ng pagkatao ko ang nagtataka rin kung bakit ba masyado akong high blood sa damuhong bakulaw na ‘yon pero wala na akong pakielam, basta sobrang naiinis ako sa kanya.

Mayamaya pa ay ipinatawag ako ni Jeremy sa opisina nito at may kailangan daw itong ipagawa sa akin. Tumalima naman agad ako at pumunta dito. Nadismaya pa nga ako ng hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin habang iniaabot sa akin ang mga papeles na papirmahan ko raw sa kapatid nito. Napalitan ang inis ko ng lungkot dahil sa ginagawa nito. Alam ko namang iyon ang tamang gawin dahil iyon ang mas nakabubuti para sa aming dalawa pero nadismaya pa rin talaga ako. Parang noong isang araw lang ay niyaya ako nitong sumama na dito tapos ngayon…

Ipinilig ko nalang ang ulo ko saka dahan-dahang lumabas ng opisina nito. Hindi ko na dapat pang pinaghihinayangan ang mga nagyayari dahil iyon ang mas tamang gawin. From now on, we we’re back to being professional to each other. Casualties are a little bit of off limits now and it’s the only best way we can treat each other because of the situation.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon