A/N Hello po sa lahat! Pasensya na po kayo at natagalan ang update para dito. Sana po ay maunawaan ninyong hindi ko maisingit sa trabaho ko ang oras sa pagsusulat. I need to attend to my job first and my job requires all of my time kaya po tuwing weekends lang ako nakakapagsulat. Limitado pa nga rin kung minsan dahil bumabawi ako sa tulog hehe. Ayun po, sana po ay maintindihan ninyo at maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa nito. GOD BLESS EVERYONE! Let spread the love! Thank you!
[Jacob’s POV]
Shit! Shit! Shit! Nanggigigil na pinagsusuntok ko ang pader na nasaharap ko ngayon dahil sa sonbrang inis. Kung kaya ko lang na iumpog ang ulo ko sa pader ay ginawa ko na. Paano ba naman kasi ay hindi ko maintindihan kung bakit humantong sa halikan ang naging eksena namin ni Liz kanina.
I really don’t have any intention of kissing her in front of everyone! That’s insane but unfortunately, I did just that, does it mean that I’m insane?
Ni hindi pa nga ako lasing, nakaka limang shot palang ako ng alak at mataas ang alcohol tolerance ko kaya naman alam kong hindi pa ako lasing at nasa matino pa akong pag iisip pero bakit ba hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko kanina?
Dahil iyon naman ang talagang gusto mong gawin.
Shit! Oo na! iyo na talaga ang gusto kong gawin. Simula palang kaninang makita ko s’ya sa bahay, habang pababa siya ng hagdan, hindi ko mapigilang humanga sa angkin niyang ganda. Ni hindi ko nga naisip na puwede palang siyang maging ganoong kaganda. Naiirita ako sa sarili ko ng mapagtanto kong natutulala ako sa kanya pero hindi ko nalang iyon pinansin pa. Natural lang naman na humanga ang isang lalaki sa isang babae kung maganda ito hindi ba? Kaya natural lang ang naging reaksyon ko rito.
Nainis lang ako ng pagdating namin kanina dito sa faction hall ay napansin kong lahat yata ng tao ay nakatingin dito –lahat ng lalaki at hindi ko gusto ang naramdaman kong pagkairita sa mga lalaking iyon. Hinawakan ko pa nga ang kamay n’ya para iapaalam sa mga tao na nand’on na ako ang kasama n’ya. Hindi ko gusto ang pagiging over protective ko kay Liz kaya ng masabi ng ama ko na engage kami at matapos kaming maiwan na dalawa ay ibinunton ko sa kanya ang inis na nararamdaman ko para sa sarili ko. Nag walk out ito at wala akong nagawa kundi ang sundan ito ng tingin habang papalayo sa akin.
I want to grab her that instant and make her stay pero bago ko pa magawa ang iniisip kong iyon ay ikinuyom ko nalang ang mga kamay ko at iniiwas ang tingin dito. Ano bang nagyayari sa akin at bakit parang nagiging possessive ako sa kanya? Wala naman s’yang halaga sa akin kaya dapat ay wala akong pakielam dito pero hindi ko talaga mapigilan ang inis na mabilis umusbong sa puso ko tuwing nakikita kong sinusundan ito ng tingin ng mga lalaking nandoon.
Huminga ako ng malalim at saka lumapit sa refreshment table. Doon ako uminom at nakakalimang baso pa nga lang ako ng mapagpasyahan kong sundan ito. Kung bakit ay hindi ko alam.
Habang tinutunton ko ang dinaanan nito kanina ng umalis ito ay napansin kong nagmamadaling lumakad si Jeremy palabas sa balustre. Napakunot ako ng noo ng mapagtanto kong doon din pumunta si Liz. Sumunod ako rito at nakita ko nga ang dalawa na nag uusap. Katakatakang pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko habang nakatunghay ako sa mga ito.

BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...