Chapter 17 *His Smile"

16.3K 201 45
                                        

[Patricia’s POV]

Kasalukuyang pinipigilan ko ang sarili ko na napapikit at tuluyang makatulog sa kinauupuan ko. Kung hindi nga lamang bawal na matulog kahit sandali ay ginawa ko na. Ilang araw na rin akong puyat at sabi ng mga kaopisina ko ay mukha na raw akong bangag dahil sa mga papansing eye bags ko.

Hindi ko naman kasi akalaing may pagka-slave driver pala ang boss ko. Mag i-isang buwan na rin akong nagtatrabaho bilang sekretarya ni Jeremy at kahit minsan yata ay hindi ko manlang ito nakitang ngumiti sa akin o narinig manlang na suklian ang pagbati ko rito. Hindi ko tuloy lubusang maisip kung paano nasasabi ng mga kasamahan ko na mabait ito at palangiti.

Hindi rin ako sigurado kung nakikita talaga ako nito. There are times that we ride on the same car, stand at the same floor and sit on the same couch but still, I thought that he really never see me or appreciated my presence at the most. It’s not like I wanted him to notice me but his behavior is very intriguing and the cat inside of me was very curious as to why, this man, one’s an approachable sort suddenly became aloof.

“Patch! Umiilaw ‘yong linya mo.” Napasinghap ako ng makitang umiilaw nga ang linya ng telepono sa gawing kanan ko na pribado para lamang sa boss ko at mukhang kanina pa iyon. Sa sobrang busy kasi ng isip kong mag-focus na manatiling nakabukas ang aking mga mata ay hindi ko agad napansin ang pag ilaw niyon. Malamang na mainit na ang ulo ng taong nasa kabilang linya.

I take deep breath and clear my throat before I speak through the telephone.

“Yes, sir?”

“Miss Sandoval, why, you seem out of focus today. You make me wait in line for about two full minutes. That is not like you at all. Are so busy out there to not notice my line?” Agad na nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyan. Lalo pa at ang tonong ginamit niya ay may halo pang sarkasmo.

Ang sungit talaga! Nakakainis! S’ya pa ang may ganang maging sarcastic ngayon samantalang siya ang may kagagawa ng pagiging out of focus ko. Ipakain ko sa kanya ‘tong mga papeles na ipinapa-rush n’ya sa akin eh. Pagtatarang ko sa isip ko.

Imbes na masabi ko pa ang kung ano man ang nasaisip ko ay humugot nalamang muli ako ng malalim na hininga at bahagyang pinilit ang sariling kumalma. Tutal naman at walang mangyayari kung sasalubungin ko pa ang init ng ulo nito kaya pinili ko nalamang magpakahinahon.

“I’m sorry sir, I’m just too engross with my work that I haven’t notice your line. Again, I’m sorry. Do you have anything to ask, sir?” Kalmado nang tanong ko sa kanya.

Sandali itong nawalan ng imik kaya naman napangiwi ako. Siya itong parang nagmamadali tapos ang tagal namang sabihin kung ano ang kailangan sa akin. Kung hindi ba namang may sapak talaga! Naipaikot ko nalamang ang aking mga mata habang nag-iintay pa rin ng sagot mula sa kanya na ikinatawa naman ng katabi kong si Charlene.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon