Chapter 36 *Challenge Accepted?*

2.7K 68 10
                                        

Author's Note: This part is dedicated to my KALADKAREN friends—who by the way are my former students: Maybs, Cris, Jo and Charles. Stay safe and stay beautiful! Love you all :*

And to you who is reading this now. Keep on praying 'cause everything will be alright in God's time. Stay safe everyone and God bless! Enjoy Reading :D


Liz's POV

"Now that we're all here, why don't we eat first then talk later," malumanay na sabi ng mommy nila Jacob at Jeremy habang inililibot ang tingin sa mga taong naroon. Nang walang tumutol—ni isa ay walang nagsalita—ay ipinalabas na nito ang mga pagkain at ipinaayos sa hapag-kainan.


Umupo sa tabi ko si Jeremy habang katabi naman ng mommy nila si Jacob. "Okay?" nag-aalalang tanong sakin ni Jem. Tanging tango lang ang isinagot ko dito.


Nanatiling tahimik ako sa buong durasyon ng pagkain, ni halos hindi ko nagalaw ang aking pagkain dahil iba ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling iyon. May manaka-nakang usapang nagaganap sa hapag pero light lang iyon, casual kung baga at kahit hindi ako nakikihalubilo sa kanila ay mataman ko namang pinakikinggan ang lahat ng sinasabi nila. A particular voice specially—Jacob's.


Ayokong tumingin dito dahil alam kong blanko lamang ang ekspresyon na makikita ko roon. He's my Jacob but he's also a different man...


"What happen to the New York branch, dad? Natuloy pa ba 'yon?" tanong ni Jacob.


"Yes. It was made possible because of your... let say, determination. Sa katunayan nga, there's talk about renovation and extension of the current office there. The demands are getting higher and we need to hire more people to facilitate and work," napatingin ito sa asawa na katabi lamang at tumukhim bago muling magsalita. "But let's not talk about that now. Kung tapos na ang lahat sa pagkain maybe we can start the order of business in the other room?" lahat ay nagsitayuan na at nagsimulang pumunta sa family room kung saan sila maguusap-usap.


Sa kaliwa ko ay umupo si Jeremy habang sa kanan naman ay ang mommy nito. Bahagya pang pinisil ni mommy Lea ang kamay ko bago tumingin sa asawa nito na nakaupo sa katapat. Si Jacob ay nanatiling nakatayo without any expression and I started to feel the tension.


"So," nagmuwestra ang daddy nila upang ipaalam sa lahat na pwede na silang magsalita.


"I don't know what you're planning on doing but let me just say, I don't know her, I don't feel anything for her and I don't want to be with her," walang kaabog-abog na pahayag ni Jacob.


"Jake!" wari'y kinapos sa hiningang anas ng mommy nito na halatang talagang nabigla dahil nailagay pa nito ang kanang kamay sa mag bandang puso nito. "Hindi mo dapat 'yan sinasabi sa asawa mo," may sasabihin sana si Jacob pero pinutol ito ng ina "pakinggan mo muna ako. Alam kong hindi mo natatandaan si Liz pero di ba dapat ay bigyan mo muna s'ya ng chance na ipakilala ang sarili n'ya sayo. Don't close yourself to this. Not this, Jake," binigyan nito ng diin ang huling sinabi bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Maniwala ka, importante s'ya sa'yo. You just can't remember how much" mahinahon at puno pa rin ng damdaming pahayag ng mommy nito.


Kumunot ang noon ni Jacob at halata sa mukha nito ang pagkainis pero hindi ito nagsalita. Nanatiling nakatingin ito sa akin habang ako naman ay parang namamanhid. Hindi ko alam kung anong nababasa nito sa mukha ko dahil miski ako ay hindi alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang namamanhid ang buong pagkatao ko. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko magalit sa kaniya dahil sa napaka-unfair na mga sinasabi nito, gusto ko siyang sugurin ng yakap, gusto kong umiyak at magmakaawa sa kaniya na alalahanin ako... alalahanin kung gaano kami kasaya at kung gaano naming kamahal ang isa't isa pero ni isa sa mga gusto kong gawin na iyan ay walang maglakas ng loob na mamutawi sa bibig ko o kahit ang sarili kong katawan ay ayaw kumilos.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon