Dedicated to may Nanay here in Wattpad! Nanay Chie, I just want to say thank you 'Nay for everything. Salamat sa walang sawang pag-intindi mo sakin at sa pag-aalaga n'yo po. Salamat po sa hindi n'yo pagsuko sa aming magkakapatid hehe. I love you 'Nay Chie! God Bless po!
Thank you sa lahat nang patuloy na nagbabasa at sumusuporta rito. Nakakataba po talaga ng puso ang patuloy ninyong pagsuporta. Salamat at salamat sa lahat. God Bless, Guys! Love love!
[Patricia’s POV]
Mula umaga ay wala akong ginawa kundi ang sumagot sa mga tawag at mag check ng mga e-mail kaya naman pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Nais kong irapan ang aking sarili dahil sa mga pinagsasasabi ko.
Ayoko lamang aminin ngunit alam kong ang totoo ay talagang inaabala ko lamang ang aking sarili. Tinatapos ang mga gawaing matagal pa naman ang deadline para lang may mag okupa sa isip ko at hindi lang pulos siya ang laman niyon. At para na rin hindi ka masyadong tensyonado sa date n’yo mamaya.
I clench my teeth and close my eyes for a second. It’s infuriating to think that I was acting like that of a teenager who just ask by her crush for a date for the first time. I’m long pass the teenage-stage for Crist sake! But still, I feel jittery inside and out.
Ilang beses ko bang kailangang pagsabihan ang sarili ko na wala akong dapat na ikabahala dahil unang-una, hindi ito ang unang beses na lalabas ako kasama ang isang guwapong lalaki. Pangalawa, hindi naman niya sinabing date diba? Eh bakit para akong timang kung maka-react? At ang huling dahilan kung bakit hindi ako dapat kabahan ay, si Jeremy lang naman ang s’ya. God!
Hindi ko alam kung makakalma ba ako o mas matataranta dahil sa huling dahilang naisip ko. Nakaka-frustrate naman talaga, sa totoo lang.
I took a deep calming breath before I open my eyes and looked at my wristwatch for the nth time. Hindi nakatulog ang nakita kong oras para kumalma dahil kulang-kulang isang oras nalang bago mangyari ang kinatatakutan kong mangyari.
I swallow as I make a mental arrangement of the things I needed to do—if ever there are any that needs my attention at the moment. I really hope there’s something I can reason out to avoid him.
“Uy,” nagkunwari akong hindi napansin ang pagtawag na iyan ni Charlene.
Kahit hindi sila derektang nagtatanong sakin kung anong nangyayari ay alam kong napapansin nila ang kakaibang ikinikilos ko buong araw. Siguro hindi na nakatiis si Cha kaya naman nangahas na itong magtanong ngayon. But I’ll do my best to ignore her, sana lang ay hayaan ako ng mga itong makalusot.
“Oy, isnabera ka na ngayon ah?” hindi pa rin ako nag-angat ng tingin mula sa pag-aayos—kuno—ko nang mga papeles. “Sige, huwag mong sabihin samin ni Megg kung paano mo nilandi si Sir Jem para akitin ka n’yang mag-date kayo.” Marahas na napabaling ako sa mga ito dahil sa sinabi ni Charlene at nakita kong kapwa nakangiti ang mga ito sa akin. “Okay lang talaga Patch, na ilihim mo samin. Hindi naman kasi namin napapansin ‘yong pagiging magugulatin mo ngayon tuwing nand’yan si Sir Jem saka pala ‘yong pamumula at pag-stutter mo tuwing kausap s’ya, at ‘yong palagi mong pag-check ng oras. Grabe, wala ngang something na nangyayari sa inyong dalawa, swear!”
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
