Liz's POV
KUMALMA ka lang, wala namang mali sa nangyayari eh. Paranoid ka lang talaga. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nagsasayaw kami ni Jacob.
Nasabi na ni Jacob sa mga emcee na aalis na kami mayamaya lang at nakapag pasalamat na rin siya sa lahat nang mga nagsidalo sa kasal. Kaya naman ilang sandali pa ay inianunsyo na nang emcee ang last dance, at iyon na ang nanging hudyat para sa amin ni Jacob na pagkatapos nang sayaw na ito ay maari na kaming umalis.
Totoong kanina pa ako hindi mapakali. Noong umaga, naisip ko na marahil ay dahil lamang iyon sa lahat nang mga nangyari, sa sobrang excitement na nararamdaman ko at siguro sa sobrang pagmamahal sa isang tao na ngayon ay opisyal nang nagkaroon nang lisensya upang masabi kong pagmamay-ari ko.
Habang nakatingin ako sa nakangiting mukha ni Jacob, lalo lamang tumitindi ang kabang nararamdaman ko, hindi ko mawari talaga kung saan iyon nagmumula. I can blame it all to the champagne and to the nerves, pero ngayong alam kong ilang sandali nalamang ay makakaalis na kami doon at tuluyan nang makakapagsolo ay hindi pa rin nababawasan ang pangamba ko.
It's a foolish thought, I know but I couldn't bring myself to fully relax.
Hindi naman ako takot na sumakay sa eroplano—dahil pagkatapos nang reception ay tutuloy na kami sa isa sa mga hotel na pagmamay-ari nila Jacob upang sa umaga, sa oras nang flight namin papuntang New York ay hindi na kami mahuli pa. Nandoon narin naman daw ang mga gamit namin, at ayon na rin ay Jacob ay mas convenient daw iyon. Wala naman din akong phobia sa matataas na lugar kaya ang tangi ko nalamang naiisip na dahilan kung bakit jumpy and restless and pakiramdam ko ay dahil naparami ang inom ko ng champagne.
"Babe, we're leaving. Say your good byes," napapitlag ako nang tumama sa punong tainga ko ang mainit na hininga niya na nagpabalik sa diwa ko. Tumingala ako at sinalubong ang malalamlam na mga mata niya. Ni hindi ko manlang namalayan na tumigil na pala ang tugtog. Bakit ba masyado akong pre-occupied? Pagod lang siguro ako... naisip ko. Agad ko rin namang pinalis ang mga nakaka-stress na isipin at nginitian nalamang si Jacob.
"Okay," I said breathless. Hindi na nga siguro talaga ako masasanay sa eratikong tibok nang puso ko tuwing nasisilayan ko siya. Hay naku naman talaga.
Nang makapagpaalam na sa mga nagging bisita maging sa mga in-laws at sa nanay at tatay ko—na sabi ni mommy Lea ay sa bahay muna nang mga ito tutuloy upang makasama na rin ang apo na si Jared—ay pinagbukas ako nang pinto ng sasakyan ni Jacob at siya na rin ang nang strap ng seatbelt ko.
"Bakit ikaw ang magmamaneho? Hindi ba't nakainom ka na rin," nag-aalalang tanong ko sa kanya habang palabas kami sa venue. "Magpa-drive nalang tayo," suhestiyon ko pa.
"Okay lang ako. Isang baso lang naman ang nainom ko. Ikaw ang marami nang nainom kaya kung ako sa' yo Mrs. Kifler ay maiidlip nalang muna ako. Gigisingin nalang kita kapag nasa hotel na tayo," nakangiting payo niya.
Inabot ni Jacob ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon bago muling ngumiti saka dahan-dahang pinausad ang sasakyan. For some reason, I can't take my eyes off him, may pakiramdam ako na mami-miss ko ang mukhang iyon. At dahil sa nakakabagabag na pakiramdam ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata at isinandal ang ulo sa head rest. Sinisikap kong maalis ang hindi kaaya-ayang pakiramdam na kanina na umaalipin sa akin. Nothing's going wrong. Nothing will go wrong. What could happen, di 'ba?
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...