Author's Note: Thank you for reading this. I feel like I can finish this now. Konti nalang. I just wish na sana hindi kayo ma-disappoint. God bless everyone! Stay safe. Stay home and I pray na sana ay ligtas ang lahat at wala sa kapahamakan ngayong may bagyo. 'Love you all!
Liz's POV
Nang makarating ako sa tapat ng bahay kung saan pansamantalang nakatira ang mga magulang ko kasama si Jared ay hindi muna ako pumasok sa loob. Kinalma ko muna ang aking sarili at nang masiguro nang hindi ako magbe-breakdown sa harap ng anak ko ay binuksan ko ang pinto na may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Hey, handsome little man!" masayang bungad ko rito ng matagpuan ito sa playroom kasama ang mama ko.
"Mommy!" sinugod ako nito ng yakap at dahil sabik kami parehas na makasama ang isa't isa ay buhuhat ko ito at hinayaan ang sarili ko na ma-comfort ng paghalik ko sa buong mukha nito. Humagikgik ito ng malakas dahil sa ginawa ko.
"Parang maaga ka yata ngayon?" puna ng mama ko.
Hindi muna ako sumagot, niyakap ko muna ng mahigpit si Jared at humugot pa ng kaunting lakas sa anak ko. Nang maglikot ito at magsabi na gusto na nitong bumaba ay ibinaba na ko na ito saka hinarap ang aking ina.
"Sinabi ko na po kay Jacob ang tungkol kay Jared, Ma."
Nagulat man ay wala agad itong sinabi. Pumunta ito sa komedor at mayamaya ay bumalik ito dala ang isang baso ng tubig. "Anong sabi ni Jacob?"
"Hindi po s'ya naniniwala na may anak kami...Ayaw n'yang maniwala." Mahinang sabi ko rito.
"Anong balak mong gawin? Hindi mo naman pwedeng bawiin na ang mga sinabi mo na," halata ang pag-aalala sa boses nito.
Uminom ako ng tubig at napabuntong-hininga. "Hindi ko pa po alam sa ngayon pero pwede po ba, ma na kayo na po ang tuwag sa mommy ni Jacob at pakisabi po na sinabi ko na sa anak nila ang tungkol kay Jared at dito muna ako pansamantala."
Lalong bumakas ang pag-aalala sa mukha ng aking mama pero hinaplos pa rin nito ang braso ko saka bahagyang tumango bago tinungo ang telepono malapit sa kusina.
Binalingan ko si Jared na masayang nanonood ng paborito nitong palabas sa TV. Kahit papaano ay nabawasan ang bumabagabag sa akin. Nilapitan ko ito at nakiupo na rin sa harap ng TV upang samahan ito.
Buong maghapon na kabuntot ko ang aking anak. Kapag pupunta ako sa kusina, sa taas ng bahay, sa labas ay lagi itong nakasunod. Kapag bubuhatin ko naman ito ay yayakapin lang ako nito sandali saka ako ngingitian at magpapababa na rin. Such joy, such innocent trust and such love is in every child.
Palagi akong nahihirapan na iwan ito noong mga nakaraang linggo na binibisita ko ito ng palihim. Hindi ito iiyak pero palaging nangingilid ang luha at nakalabi ito tuwing kumakaway sa akin tuwing magsasabi ako na kailangan ko nang umalis. Mahirap para sa aming dalawa na hindi magkasama tuwing natutulog. Sa iilang pagkakataon noong nasa ospital pa si Jacob at kinakailangan kong bantayan ito sa magdamag ay palaging hirap matulog si Jared dahil sanay ito na I would tuck him or cradle him in my arms while singing to him in that one-syllable tune that mothers do. Hanggang sa makatulog ito ay nasa tabi ako nito, may pagkakataon na kapag karga ko ito at ilalapag ko na ay magigising ito at uungot na wag muna siyang umalis sa kwarto nito.
"Mommy?" mahinang pagtawag ni Jared sa akin.
Naputol ang aking pagninilaynilay ng tawagin ako nito. It's already bed time at katulad ng nakagawian ay nilinisan ko na ito ng katawan, binihisan ng pantulog at ngayon ay pinapatulog na.
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...
