Author's Note: Thank you po sa patuloy na pagsuporta sa ANAC. Sa mga encouraging comments, sa mga kulitan vibes, sa mga bumoboto at sa mga nagbabasa. Pagpalain po nawa kayo ni God. Mahal na mahal ko po kayo! Hindi po talaga ito ang plano kong scene pero iyan ang lumabas hehe! Enjoy reading :)
Liz's POV
Sa mga nakaraang araw matapos bumalik ang ibang ala-ala ni Jacob ay lubos ang ginawa nitong pagbawi sa anak. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Hanggang sa pagtulog ay katabi ni Jacob si Jared. Kitang-kita sa dalawa ang pananabik, hindi pa nga ako sigurado minsan kung sino ang mas sabik kanino.
I felt happy just seeing them together. At syempre aaminin ko, medyo nagseselo ako nga kaunti dahil parang mas marami ng sikreto ang mag-ama ngayon kaysa sa aming mag-ina. I guess males love the company of their kinds as much as females with theirs.
Kaya siguro parang mas close ang dalawa kahit na ilang araw palang magkasama ang mga ito. Minsan nalang kasi akong hanapin ni Jared. Mas palagi nang hinahanap ng mga mata nito ang ama.
They just click it off right at the bat. Akala ko pa no'ng una ay maiilang, mangangapa o maninibago si Jacob sa pagiging ama nito but thank God I have been wrong. He's a great father actually. I just wished that he would talk to me more...
After the confrontation, hindi na ako sinusungitan nito—that's a plus. Pero hindi ako nito masyadong iniimikan. Kapag kailangang kailangan lang niya akong kausapin at wala na talagang ibang choice ay saka lang ito magsasalita. He's staring at me more often than not at kahit hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nito I can't help but to wished wholeheartedly that he's thinking how to reach out to me. Baka kailangan lang naming ng timing to have the chance to talk, to really talk I mean.
Pero sa ngayon, masaya na ako na pinagmamasdan ko ang mag-ama ko na masayang nagkukulitan.
"Mommy, join us?" Alanganing ngiti ang ibinigay ko sa aking anak ng tawagin ako nito mula sa living room. Nang hindi ako lumapit sa mga ito ay tumayo si Jared at patakbong lumapit sa pwesto niya sa island counter.
"Ano bang ginagawa n'yo? Baka mamaya it's all supposed to be something like a man-talk tapos isasama mo ako." Ngumiti si Jared, mukhang nagustuhan nito ang pagkakasabi niya ng 'man'. Palagi kasi itong sumisimangot tuwing sasabihan ito ng little boy.
"Nah, we're just talking about...stuff."
Tinaasan ko ito ng isang kilay. "What kind of stuff?"
Kumunot ang noo nito. Kaparehas ng signature facial expression ni Jacob tuwing may kailangan itong pag-isipan na mahalaga. Natutuwang hinimas ng hintuturo ko ang pagitan ng kilay nito. Nagulat na napatingin sa akin si Jared saka dahan-dahan akong nginitian. Ah, so much like his daddy.
"Well, daddy said that snakes only lay eggs but I beg to disamry—"
"Disagree." Pagtatama ko. Muli ay nginitian ako nito na labas ang mga biloy sa magkabilang pisngi.
"I beg to disagree 'cause when I watched NatGeo I saw that some snakes gave birth to young. So they don't just lay eggs they are also capable of birthing young." Nilagyan nito ng diin ang salitang guto nitong i-emphasize. Pagkatapos magsalita ay muli itong ngumiti. My son looked so proud of himself and as a parent I will never forget these kinds of moment.
Imbes na sabihing tama ito ay tumayo ako at binuhat ito. Pinupog ko ng halik ang buong mukha nito. Tawa lang ito ng tawa habang ginagawa ko iyon. "When did you get so smart? And why are you watching NatGeo instead of your favorite shows in Disney Junior?"
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...