A/N Okay! Sorry po ulit sa matagal na update! Hehe God bless everyone! Pagpasensyahan n’yo na at ito lang ang akaya ng utak ko hehe
[Liz’s POV]
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ang tanging alam ko lang kung bakit ako nandito sa loob ng malapalasyon bahay ng mga Kifler ay para hatulan ako.
Mula sa opisina kanina kung saan nadatnan at nalaman ni Mr Kifler–ang tatay ng kambal– ang totoong dahilan ng pag-aaway ng dalawa ay inutusan kami nito na sumama dito. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa parking lot at ngayon nga ay nandito na ako sa bahay nila.
“Hija, masama ba ang pakiramdam mo?”
Napapitlag ako ng may magsalita mula sa tagiliran ko. Nang mag angat naman ako ng tingin dito ay nakita ko ang nag aalalang muka ng mommy nila Jeremy. Ngumiti ako ng alangan saka umiling. Akala ko ay aalis na ito pero naupo ito sa tabi ko, nagulat pa ako ng gagapin nito ang isang nanginginig na kamay ko.
“Hija, wala kang dapat ipag alala, hindi ka naman namin pababayaan at ang nasa sinapupunan mo” nanigas yata ang buong katawan ko ng sabihin nito iyan. Kahit kasi ako ay hindi pa rin makapaniwala sa totoong dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
Mukang napansin ng ginang na mas naging hindi ako komportable dahil sa sinabi nito kaya naman tinapik tapik nito ang kamay ko na hawak pa rin nito saka nakakaunawang ngumiti.
“May partikular na pagkain ka bang gustong kainin?” tanong nito
Nag alangan ako sandali kung paano ko ito sasagutin, mahirap palang makitungo ng kaswal sa taong alam mong mas nakakataas sa iyo, kahit pa ito na mismo ang nagsabi na pakitunguhan ko siya ng ganoon. Ito pa rin naman kasi ang asawa ng taong nagmamay-ari ng kompanyang pinapasukan ko.
“A-ah, hindi rin naman po ako magtatagal dito. Hinihintay ko lang po sila sir na makalabas para makapag paalam na rin po. Ayos na po ako, salamat nalang po sa imbitasyon ma’am” naiilang na sabi ko dito
“Batang ito, sabi ko naman sa iyong hindi mo kailangang maging pormal na sa akin dahil sa ayaw at sa gusto mo ay parte ka na ng pamiyang ito. Tita Lea nalang ang itawag mo sa akin. Ngayon, dito ka maghahapuhan sa ayaw mo rin at sa gusto.” pinal na sabi nito saka tumayo na “kung may gusto kang ipaluto, magpasabi ka nalang sa mga Emma siya ang mayordoma dito” ngumiti muli ito at saka itinuro ang babaeng nakatayo sa di kalayuan “Sisilipin ko lang ang mag aama ko” sabi pa nito saka tuluyang umalis
Napabuntong-hininga ako ng mawala na ito sa paningin ko. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga sinabi nito at sa magaang pagtanggap nito sa komplikadong sitwasyon namin ng anak nito?
BINABASA MO ANG
A night... A child! (COMPLETED)
General FictionJacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a golden spoon in his mouth and never had he imagine being poor. Pero dahil sa isang gabing sarap muntik nang mawala ang lahat sa kanya. A MILLIO...