Epilogue

5.8K 98 16
                                    

Jacob's POV


Hindi ko alam na pwede palang maging ganito kasaya ang pakiramdam ng isang tao. Totoo palang may isang taong magkakapagparamdam sa 'yo na hindi ka kumpleto noon kahit hindi mo iyon alam kahit sa sarili mo.

I never imagine that Love can truly change a person's perception to things. I was skeptical in that area because I thought that those things are just for the pages of books written to make people believe that love is wonderful, honest and all the goodness in the world rolled into that one feeling—Love. I also thought that love will make a man weaker and submissive to the demands of a woman that love therefore is for weak people who can't fend for themselves and are reliable to others that even their happiness depended to one woman. To The One as they say.

If somebody will tell me those exact lines 5 years or 10 years before, I would laugh at them, at their silly conception, all the while thinking, what the hell!

But I was wrong. Love does not make anyone weak, if any it only makes them stronger in mind and in heart. Too many times have I made mistakes in my life, some are by nature but most are by choice. Hindi kasi ako naniniwala na may taong nakatadhana na magagawang baguhin ang buhay ko, na magagawang buksan ang puso ko sa mga pakiramdam na kahit ako ay hindi ko alam na taglay ko. Hindi ko alam kung may dapat ba akong pagsisihan sa mga desisyong ginawa ko noon kahit alam kong mali iyon pero kung ito ang hangganan nang mga pagkakamaling iyon ay siguro, hindi nalamang. Wala akong dapat na pagsisihan dahil alam ko na ngayon na hindi lamang pagsisisi ang nasa hulihan ng bawat kwento ng buhay, nasa dulo rin ang realisasyong kaya mong magbago, tanggaping ang sarili mong kahinaan at maniwala na kaya mong magmahal hindi lang ng sarili gayun din ang tamang tao.

I never regain all my memories. Walang kasiguraduhan kung maibabalik pang muli ang lahat ng mga ala-alang iyon ngunit kahit na may kulang sa memorya ko, I still felt complete dahil kasama ko pa rin si Liz. Siya ang nakakapagparamdam sakin sa araw-araw na kumpleto ako and that in itself was a miracle enough. One that I can live with for all of my life.

"You're awake," inaantok pang turan nito sa akin saka binalingan ng tingin ang bedside clock. "It's too early. Sumasakit ba ang ulo mo?" Nag-aalalang umangat ito sa pagkakahiga at tinitigan ang mukha ko.

It was too easy to go back to the old set-up. Hindi kasi nagdalawang isip si Liz na magsama ulit kami sa iisang kwarto, sa iisang kama pagkatapos kong makipag-ayos dito. Parang natural na natural na ulit ang takbo ng buhay namin. Parang walang nangyari at nagdahilan lang kami pare-pareho.

Ngumiti ako saka hinapit ito palapit sa katawan ko. "'Wag kang mag-alala, walang masakit sa 'kin."

"E bakit ang aga mong magising ngayon? May meeting ba kayo sa office at kailangang maaga ka pumasok? Ipaghahanda na kita ng breakfast mo habang naghahanda ka." Tuloy-tuloy na sabi nito.

Maging ang normal na buhay ko noon ay naibalik ko na rin. Ang lahat ng taong malalapit sa akin ay tumulong upang mas mapabilis ang pagko-cope ko sa bagong ko buhay.

Tumunghay ako rito habang ito naman ay tuluyan nang umangat sa kama namin at nagsimulang maglakad papunta sa pinto ng kwarto. Nakakapit na ito sa doorknob nang mukhang may biglang naalala saka dahan-dahang lumingon sa akin at ngumiti.

"Good morning."

Natulala ako ng bahagya saka mabilis na kumilos upang makalapit dito. Pinagko ko ito saka pabagsak na muling bumalik sa kama. Hindi ko napigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko nang impit na tumili ito dahil sa ginawa ko.

"Ano nanamang problema mo?" May nahihimigan akong pagtataka at pagkainis sa boses nito.

Isiniksik ko pang lalo ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat nito saka tumawa ulit. Nang matapos sa pagtawa ay iniangat ko ang mukha upang makita ang mukha nito. Hindi mawari ang hitsura nito kung sisimangot ba o ngingiti sa akin.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon