Chapter 21.1 *New Life*

13.4K 277 32
                                        

Dedicated to Imangge! She's really, really nice! Thank you dear, sis! May God Bless you always. Ate loves you!

To everyone: This is the first part of chapter 2ne1 hehe. Sorry! I'm kinda suffering from downsyndrome and I'm a bit lucking of inspiration. If you know where to buy a ton of inspiration, just let me now. Coz' I really need a ton of it right now. Again, sorry for the slow and short update.
God Bless! Keep safe and I love you all!

[Jacob’s POV]

“Jacob! Jacob!” Pabalikwas na napabangon ako mula sa pagkakayukyok sa lamesa nang marinig ko ang pagtawag ni Liz na iyan. May pagmamadaling lumabas ako sa study room at inilang hakbang ang kuwarto naming dalawa kung saan iniwan kong natutulog ito.

“What!? What happen?” Natatarantang tanong ko dito ng mabuksan ko ang pinto ng kuwarto. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakaupo si Liz sa dulo ng kama habang nakasapo sa tiyan nito. Nakadama agad ako ng takot at pag-aalala na baka may masamang nangyayari dito. Nagpapanik na lumapit ako dito at lumuhod sa harapan nito.

“Liz, babe. W-What’s happening? A-Are you alright? Damn!” Sunod-sunod ang naging pagmumura ko ng mapagtantong nanlalamig ang mga kamay nito at masyado ring tensiyonado ang katawan nito. Wari ba’y namimilipit ito sa sobrang sakit at naiinis ako dahil hindi ko alam kung anong nangyayari dito at kung ano ang dapat gawin. Nagpapanik na ang utak ko kaya hindi ko na maintindihan ang dapat unahin.

Dapat ko bang buhatin na ito? O dapat bang huwag ko muna itong galawin dahil baka mas mapasama pa ito? Ano bang dapat kong gawin!? Dammit! Use your brain you moron! She’s in pain can’t you see!? Do something!

“L-Liz…Oh God, what am I going to do? W-what…Babe…” Sunod-sunod ang aking naging paglunok sa sobrang kaba at parang gusto ko na ring sabuhutan ang sarili ko at pagsasasapakin dahil hindi ko maintindihan ang dapat kong maging aksiyon sa mga nagyayari. Idagdag pang nakikita ko sa ekspresyon ng mukha nito na nahihirapan ito at nasasaktan…


“J-Jacob, A…I think h-he’s coming,” halos pabulong ang pagkakasabi ni Liz niyon at para ngang hindi ko masyadong naintindihan ang ibig nitong sabihin, marahil ay dahil sa sobrang kaba kaya natutuliro na ang isip ko.

“W-What? God! You’re bleeding!” Napatayo ako at napatitig dito. Ang bilis ng tibok ng puso ko, at sa sobrang bilis niyon ay parang aatakihin na ako sa puso. Ano ba kasing nangyayari dito?


“J-Jacob… Our baby…” Nang sabihin iyan ni Liz ay saka lamang rumehistro sa utak ko ang mga nangyayari. Napamura ako sa isip ko saka nagmamadaling pinangko ito at alos takbuhin ko ang daan patungo sa hilera ng mga elevator.

 

Manganganak na si Liz! Lalabas na ang baby namin!

Bakit ba hindi ko naisip na iyon ang posibleng dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon? Malamang na nataranta na lang din kasi ako ng sobra kaya hindi ko na naisip na posibleng manganganak na ito.

Nang makarating kami sa first floor ay agad kaming napansin ng mga guard doon at ilan pang tauhan ng condominium na tinutuluyan namin. Nag-alok ng tulong ang iba ngunit isinantabi ko ang mga iyon. Ilang metro nalang naman ang layo ng parking area mula roon at ayoko rin namang ipaubaya ang pagbuhat kay Liz sa iba.

A night... A child! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon