Unexpected [FrancElla]

4.3K 36 3
                                    

  Dedicated po kay Ate Roselle. Sya po yung isa sa favorite kong author dito sa Wattpad. Favorite din nya ang FrancElla. So you must read her stories also. Thanks! :))

 

 -Prologue-


 "Sige, mauna ka na. May dadaanan lang ako." pagkasabi ko nun, umalis na sya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Dadaan muna ako saglit sa tindahan malapit dito, bibili ako ng makakakain. Pero bago pa ako makapunta sa tindahan, may nadaanan ako. 

 May kumpulan ng tao sa isang banda dun. Eh dahil curiousity kills nga naman, lumapit ako doon at nakiusyoso. 

 Hindi ko inaasahan ang makikita ko. 

 Isang lalaki, binubugbog. Hindi sya makalaban kasi ang dami-dami ng kalaban nya. Parang familiar nga yung mukha ng lalaki eh. Hindi ko napigilan yung sarili ko at sumiksik doon sa kumpulan ng tao.

 "HOY! BAKIT NYO SYA BINUBUGBOG HA?!" sigaw ko dun sa mga lalaking nambubugbog. Agad naman silang napatigil at nagtatakang tumingin sakin. Napatayo din yung binubugbog na lalaki.

 "S-Sino ka?" sabi nung lalaking binubugbog.

 "Hindi na mahalaga yun. Bakit ka ba nila binubugbog ha?!" sagot ko.

 Ngumuso naman yung isa sa mga nambubugbog sa side nya. Tiningnan ko yung nginuso nya at.. .

 Okay, KILL ME NOW. T_T

 Isa lang palang shooting ang lahat. Yeah, SHOOTING. So mga stunt man lang yung mga nambubugbog? At ako? Extra lang ako? Napanganga na lang ako sa nakita ko. Lahat ng taong nandun at nanunuod eh, nakatingin sakin. 

 "CUT!" sabi nung direktor nila ata. Napatingin sya sakin na magkasalubong ang mga kilay. "Sino ka ba? At bakit mo naman ginulo ang shooting namin? Juskomiyo. Uulit na naman tayo!" iritang sabi nya.

 Waaaaaaah!~ Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon na. Nakakahiya! >_<

 Umalis na ako sa lugar na yun. Arghh! Bakit kasi ang tanga-tanga ko? Sumobra ata katapangan ko? Tsk. Nagdahan-dahan ako na umalis para hindi nila ako mahalata.

 Pero biglang..

 "Hoy." 

 Siguro naman, hindi ako yung tinatawag nya diba? Hindi ko ayun diba? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. 

 "Hoy. Tinatawag kita." 

 Unti-unti akong humarap. At hindi nga ako nagkakamali, ako nga yung tinatawag nya. -_-

 "Ako? Ako ba yung tinatawag mo?" tinuturo ko pa yung sarili ko.

 "Sa tingin mo? At saan ka pupunta?" sabi nya ng naka-cross arms. Yeah, sya yung kunyareng binubugbog kanina.

 "Edi uuwi na." 


 "At bakit naman ha?"


 "Eh paki mo ba?"


 "Aba! Hindi mo ba ako kilala?" 

 Kunyaring nag-isip ako, "Hmmm.. Hindi eh." sabi ko at tumalikod na. Pero nagsalita ulit sya,

 "Ganun ganun na lang? Pagkatapos mong guluhin ang shooting ko, aalis ka na agad at tatakasan ako? Hindi naman ata pwede yun." 

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon