Eto pa. =))
-32-
Unexpected [32]
CHRISTINE’s POV
“Salamat lang? Wala man lang kiss?” narinig kong bulong ni Frank.
Okay. Kiss?
KISS?
As in…
HALIK?!
Emeghed. Wait, I need oxygen. Chos. Kalma Tin. Kalma.
“Kiss? Chura mo Frank. Nagbibiro ka ba? HAHAHAHA! Kase natawa talaga ako.” Muntanga lang ako, pretending. Haynako. Eh ano ba kase dapat reaksyon dun?
Ganto ba? “Kiss? Sure! Mwah! *kissed Frank on chicks/lips*”
-______-
Ugh. I can’t do that. Especially to Frank. Saka hindi ako ganun kadesperate sa kiss noh.
“Joke nga lang! Sa tingin mo ba eh magpapahalik ako sayo? NO WAY.” Sagot nya.
“Wow ha. Nahiya naman ako sayo. At sa tingin mo din ba hahalikan kita? Like.. duh?! Hindi kita type.” Maarte kong sabi.
“Mas lalong hindi kita type. Tss.” At inirapan nya ‘ko.
Waaaaaaaaaaaaa, nang-iirap talaga sya. Is he a GAY? Ohmygod. Hindi pwede! I mean, PWEDE!
“Alam mo, para kang bakla. Basta-basta ka na lang nang-iirap.” Pranka kong sabi.
Sinamaan nya ‘ko ng tingin.
“Anong sabi mo?” lumapit sya sakin.
“Ang sabi ko, para kang bakla.” Ulit ko.
“Ano ulit?” tapos palapit na sya ng palapit sakin.
“Bingi ka ba? Tch. I said, you’re a gay.”
“Bakla pala ha.” Nung katabi ko na sya --- as in, wala ng space between us, nilapit nya ng unti-unti yung mukha nya sakin. Umusod ako pero.. ugh. Wala ng pag-uusudan. Wala ng space. Nasa dulo na ‘ko ng bench. Kaya wala akong nagawa kundi ibend ang katawan ko. Akala ko makakalayo ako sa mukha nya pero nilapit pa din nya yung mukha nya sa mukha ko.
Malapit na.. Malapit na.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko shet. Bakit nanigas yung katawan ko? Waaaaaaaaaa. I can feel his breath. Nung napakalapit na ng mukha namin, tinitingnan nya yung lips ko. Anong balak nya?!
Gosh. My virgin lips!
“Ano ulit sabi mo? Bakla ako?” bulong nya habang nakatingin sa mga mata ko. Ramdam ko yung mabango nyang hininga.
“Ha? H-hindi ah. Hindi ka bakla. Joke lang yun!” sabi ko.
“Good.” Tapos kinindatan nya ‘ko.
Feeling ko eh namula ako ng bonggang-bongga.
Nilayo na nya yung mukha nya sakin. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
Silence.
Bigla ko na lang naramdaman na may pumapatak sa braso ko. Tumingin ako sa taas. Aish, umuulan.
Tumayo na ‘ko at dinala yung stuff toy.
“Oyy tara na dun! Umuulan oh!” sabi ko at tumakbo.
