Unexpected [40] - Final Chapter

559 18 7
                                        

-40-

CHRISTINE's POV

“Hindi ko kase alam kung anong lugar ko sayo. Kung ano ako sayo. Hindi mo pa din sinasabi yung nararamdaman mo sakin. Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong umasa.” Frank

Napalunok ako. Siguro eto na yung time na dapat kong sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko.

“Di mo lang alam, may lugar ka sakin.” Sabi ko.

“Ha? Ano?”

“Dito oh.” Tinuro ko yung left chest ko kung saan nandun yung puso. “Simula una pa lang, dito ka na nakatira. Kinulong na kita dito. At hinding-hindi ka na makakawala pa.”

Tumigil sya sa paglalakad dahilan para mapatigil din ako.

“Anong ibig sabihin mo?” nakakunot noon yang tanong na may halong ngiti. Mukhang nagegets na nya yung sinasabi ko. Gusto neto didiretsuhin ko eh.

Tumingin ako sa mga mata nya.

“Nung una, inis na inis ako sayo. Napakayabang mo kase tapos ang sungit-sungit. Maliit lang yung kasalanan ko sayo noon. Nung nagulo ko yung shooting nyo. Pero pinarusahan mo na agad ako. Na ako ang magiging personal assistant mo. At first, ayokong-ayoko talaga dahil may studies pa ‘ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag nun eh. Siguro ang gwapo mo? Oo na gwapo ka na. Haha. Tapos kapag hindi tayo nagkikita, namimiss ko yung pagsusungit mo. Para bang routine na natin yun. Na sungitan mo ‘ko at hindi naman ako magpapatalo. Hindi ko lang talaga agad narealize na.. na mahal kita. Kase iniisip ko yung magiging reaksyon mo. Sino nga bang artista yung magkakagusto sakin diba? Nung umamin ka sakin, naisip ko yung career mo. Baka masira ko yun. Kaya lumayo agad ako. Pero eto na tayo oh. Kilala ka na ng parents ko.” Huminga ako ng malalim. “Mahal kita Frank Austin Santiago. Mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita. Ang daldal mo.”

At hinalikan nya ‘ko, syempre smack lang. 

*Flashback~ (Chapter 3)

Nakakaantok, tae. Kulang ang tulog ko dahil nanuod pa ako ng favorite kong Korean novela kagabi. Yung ‘The Greatest Love’. Maganda yun. Ang gwapo-gwapo ni Jordan. Pero ang bida eh, si Collin. -__-

 Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

“Hindi ko naman kasi sinabing magbago ka. Hindi ko sinabing baguhin mo yang sarilli mo. Dahil noon pa man, tanggap na kita kung ano ka.” sabi nya. Teka, sino ba ‘tong taong ‘to?

 Hindi ko sya maaninag. Oo, nakikita ko yung katawan nya pero pagdating sa mukha, ang labo eh. Hindi ko ma-explain. Basta, hindi ko makita yung mukha nya. Hindi ko sya makilala.

 “Mahal kita, Christine. Kahit noon pa man.” Sabi pa nya at lumapit sakin. Umatras ako.

 Then, someone grabbed my hand. Sa kabilang side naman. Hindi ko din maaninag yung mukha nya katulad ng isa.

 “No. Ako ang tunay na nagmamahal sayo Christine. Ako.” Sabi din nya.

 Wait! Naguguluhan ako! >___<

 “Then, choose Christine. Ako o sya?”

 “Hoy! Gising!” nagulantang ako sa sigaw na yun. Pagkadilat ko ng mata ko, nakita ko na lang si Frank sa harap ko.

*End of Flashback~

Sya na siguro yung tinutukoy sa panaginip ko noon. Yung unang taong humawak ng kamay ko at nagsabing mahal ako.

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon