Unexpected [16]

774 13 2
                                        

 Dedicated sa kanya. :)

 -16-

CHRISTINE's POV

 Saan ba kase ako dadalhin ng lalaking 'to? Saka hindi ako nakapagpaalam kayna Daddy, baka pagalitan nila ako. Bigla-bigla na lang nya akong hinila kanina at isinakay sa kotse nya. Pfuuu~ Sabi ko kase 'wag na nya akong susunduin eh. =__=

 "Hoy Frank, saan mo ba kase ako dadalhin ha?" tanong ko habang nagdadrive sya, andito ako sa shotgun seat. As always naman. 

 "Basta nga, 'wag kang makulit. Okay?" 

 "Psh."

 Saka bakit sya lang yung nagdadrive? Eh diba may driver naman sya?

 "Teka, nasaan si Manong? Bakit ikaw lang ang nagdadrive? Tinanggal mo na sya sa trabaho?" sunod-sunod kong tanong.

 "Buti pa kay Manong, concerned ka." bulong nya pero narinig ko naman.

 "Ano? Ano ulit yung sinabi mo?"

 "Wala. Sabi ko, day off nya ngayon. Bakit ko naman tatanggalin sa trabaho si Manong eh napalapit na sya sa pamilya namin?" 

 "K." 

 Naisipan ko namang magtanong, tutal napunta na naman kay Manong yung usapan.

 "Eh ilang taon na bang nagtatrabaho sa inyo si Manong?" 

 "Mga 10 years na din ata. Bata pa lang ako sya na lagi ang driver namin eh." 

"Wow, ang tagal." sabi ko. "Nakatagal sya sa ugali mo?" bulong ko.

 "May sinasabi ka?" masungit na sabi ni Frank. 

 "Ahh.. Wala! Wala!" natataranta kong sagot. Baka mamaya, masungitan ako ng todo neto eh.

 "Eh ang Nanay mo ba, naging artista din?" tanong ko pa. Wala lang, nakaka-curious.

 "Nope." tipid nyang sagot.

 "Eh bakit mo naman naisipang mag-artista?"

 "Wala lang, gusto ko lang. Saka na-discover ako noon sa isang talent search." 

 "Ahh.. Ganun pala. Eh yung Tatay mo, nasaan?"

 "Sa bahay, malamang." namimilosopo na po sya. Ayos na yung usapan eh! Tapos biglang ganon? =__=

 "Tch. Pilosopo ka talaga kahit kailan." sabi ko. "I mean, anong trabaho nya?"

 "Eh bakit ba interesado ka sa buhay ko?" ayan, nagsungit na nga.

 Bakit ko nga ba tinatanong? Ano nga naman ang pakielam ko diba?

 Ang tanga mo talaga Tin-Tin. :3

 "Ah wala lang. Masama ba?" tanong ko.

 "Masama kung may hidden agenda ka." anong pinagsasabi neto? 

 Hidden agenda? Ang labo talaga kausap neto eh.

 "Anong hidden agenda?" naguguluhan kong tanong. "Eh baka naman ikaw ang may hidden agenda dyan. Hindi ko nga alam kung saan mo 'ko dadalhin eh." 

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon