-19-
FRANK’s POV
“FRANK AUSTIN SANTIAGO! HUMANDA KA SAKIN!” napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa sofa nang marinig ko yung pangalan ko. Nakita ko namang nagmamadaling pumunta si Christine sakin.
“Oh? Maka-sigaw ka dyan ah.”
“Eh paanong hindi ako sisigaw eh pinakielaman mo yung phone ko.”
Patay.
Sinong nagsabi sa kanya?
“H-Ha? Anong pinakielaman?” pagmamaang-maangan ko.
“Kunyare ka pa. Nung nagtext si Jeremiah, ikaw ang nagreply diba?”
“A-ahh.. Oo! Bakit?”
“Yun naman pala eh. Bakit mo sya nireplyan? At hindi mo man lang sinabi sakin.” Sabi nya. “Ang sabi mo pa, hindi ako yung nagmamay-ari ng number na yun.”
“Eh bakit ba galit na galit ka dyan? Ginawa ko lang naman yun dahil malay ko ba kung sinong Jeremiah yun. Mas mabuti nang sigurado. Baka mamaya eh reporter pala tapos sinabi ko yung totoo edi dinumog tayo dito. Diba?” pangangatwiran ko. Saka bakit ba sya ganyan makapag-react? Ano ba nya si Jeremiah? Tch.
“Eh si Jeremiah Lee yun eh. Si Jeremiah Lee! Hindi sya reporter, isa syang artista.”
“Oh pake ko ba kung artista sya? Artista din naman ako. Saka Jeremiah lang yung sinabi nyang pangalan, walang apelyido. Ang dami kayang Jeremiah sa mundo. Malay ko ba kung yan yung artista sa kabilang network?”
Ang galing ko talaga magpalusot. Naks.
“Hah!” nagcross arms sya at inilayo ang tingin.
“Sa susunod kase ‘wag mo nang pakielaman yung phone ko ha?”
“Oo na!”
“Psh.”
Maya-maya naman ay lumabas sa kusina si Mama.
“Oh? Anong kaguluhan yan?” nagtataka nyang tanong. Narinig nya siguro yung pag-uusap namin ni Christine.
“Wala po Tita.” Sagot nya.
“Kayo talagang mga bata kayo. Tara na nga dito sa at kumain na kayo ng tanghalian. Malilipasan kayo nyan eh.” Tumango lang kaming dalawa at sumunod na sa kanya.
*****
CHRISTINE’s POV
Hay, nakakaloka talaga si Frank. Grrr. Pasalamat sya at may pasensya pa ako. Nakakahiya tuloy kay Jeremiah. Halerr? Artista kaya yun. Tapos gaganunin lang? Ugh.
Nung nakapagpahinga ako pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay nagpasya akong maglakad sa beach. May beach dito noh, ang ganda nga eh.
Hindi ko namalayan, napunta na lang ako sa isang kubo malapit sa rest house. Na-curious lang ako bigla kaya pumunta ako dun. Umupo lang ako sa upuan. Habang pinagmamasdan ko ang buong kubo, nakita ko ang isang maliit na sulat sa kahoy na sandalan. Binasa ko yun,
Frank loves Nikki. ♥
Ha? Bakit may ganto dito? Saka.. Frank loves Nikki? Bakit? Argh, hindi ko masasagot ang mga tanong na yan hangga’t hindi ko tinatanong mismo kay Frank.
