-14-
FRANK’s POV
“Bilisan mo naman.” Utos ko kay Christine.
“Oo na, eto na nga oh.” Pumasok na sya sa kotse.
“Manong, sa hotel po kung saan gaganapin yung press con.” Sabi ko kay Manong. Tumango lang sya.
Maya-maya din ay nakarating na kami sa hotel.
“Christine, remember, sa gilid ka lang ha. Maawa ka sa camera, baka masira.” Sabi ko habang nasa loob pa kami ng kotse. Tiningnan nya lang ako ng masama at inirapan.
Lumabas na si Christine at naiwan kami ni Manong ditto sa loob.
“Ahh.. Manong, ‘wag mo na pong ipagkalat yung mga sinabi nyo sakin kanina ha? Quiet na lang kayo.” Sabi ko.
“Sige iho. Sabi ko na nga ba at totoo eh.” Napangiti na lang si Manong.
“Shhh..” sabi ko. Napailing-iling na lang sya. Lumabas na din ako ng kotse. At ano pa nga ba ang inaasahan ko? =__=
Sinalubong ako ng maraming press. Nakakasilaw ang mga ilaw ng camera. Hinanap ko si Christine pero hindi ko sya makita, baka nasa loob na.
Pumasok na din ako sa loob. Ako na lang pala yung hinihintay para magsimula yung press con. Ang bagal kasi kumilos ni Christine eh.
Pumwesto na ako. Nagsimula na din ang press con. Maraming tanong kung tungkol daw ba saan ang istorya ng new tv show at sagot lang sila ng sagot. Minsan lang ako sumasagot kapag trip ko.
Maya-maya, napunta ako sa hot seat.
“Sir Frank, kamusta naman po ang lovelife mo ngayon?” sabi nung baklang reporter. Tss.
“Ahm..” napakamot ako sa ulo ko. Bakit kase ang tsismosa ng mga tao ngayon? Hindi ba sila marunong makaintindi ng privacy? -.- “Wala akong lovelife ngayon eh. Pero may special someone ako. I’m deeply in love with her.” Sagot ko.
Nagkaroon ng bulung-bulungan sa loob ng room. Tch. Sinabi ko na nga tapos magbubulungan pa?
“At sino naman itong lucky girl na ‘to? Co-star mo ba? Artista din?” tanong pa nung isang babae.
Umiling ako, “No. Non-showbiz.” Sagot ko. Luminga-linga ako. Nasaan kaya sya?
“Pwede ba naming malaman kung sino?” tanong nung lalaking reporter.
“Hindi pwede eh.” Sabi ko. Tumango na lang yung reporters. Nakita ko na din si Christine sa isang gilid at nagcecellphone lang. Psh, wala talagang pake yun sa mundo. Palibhasa, sa kanya umiikot ang mundo ko.
