Unexpected [36]

562 13 2
                                        

-36-

DIM's POV

"WHAT THE HELL YOU'RE DOING HERE?!" 

What the fvck?!

"Dim, ano ba. Respeto naman. Nanay mo sya."

"Wala akong pake. Pagkatapos nya tayong iwan, bigla-bigla syang babalik?!"

"Dimitri." seryosong tawag ni Daddy sa pangalan ko. "Kailan ka pa natutong mambastos ha? Kahit anong gawin mo, she's still you're mother." 

"I don't know if she worth to be called as a mother."

Nagdiretso na ako sa kwarto ko.

I hate this.

Bakit kailangan pa nyang bumalik?

Tahimik na kaming namumuhay. Tapos babalik pa sya.

I don't know If I should respect her after all.

Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko sya maintindihan why she need to left us when we're still young. 

Gusto ko nang maayos na paliwanag. 

*****

CHRISTINE's POV

Nanunuod kami ng TV nina Lola. Kalong-kalong ko si Blue. 

Ice cream at candies lang pala katapat ng batang 'to eh. Sinungit-sungitan pa 'ko kanina.

Balita yung pinapanood namin. Ewan ko, libangan. Walang ibang palabas eh.

Nagulat ako nung si Frank yung ini-interview. 

"Malilinaw mo na samin kung sino yung babaeng kasama mo sa shop?" tanong nung intrigerang bakla na nag-iinterview.

"Para matapos na. She's just my friend. A non showbiz friend. So wala naman sigurong masama kung lumabas ako with my friend diba?" nakangiting sagot ni Frank.

Thanks God at sinagot nya ng maayos.

Kahit pala pinagtatabuyan ko na sya, hindi pa rin sya nagbabago.

Tama ba yung naging desisyon ko?

Noon, akala ko tama talaga 'to. Pero nacoconfuse na ako ngayon.

What if..

Argh.

No.

"Oo nga pala! Di ba ikaw yung babaeng kasama dyan ni Frank Santiago, Ate Tin?!" gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Orange.

Wag nyong sabihing..

FAN DIN SYA NI FRANK?! =___= Anubayan. 

"Ehh? Oo?" nag-aalangan kong sagot.

"Waaaaaaa! Ermagerd. You're so swerte Ate. How come na magkasama kayo dun? Dali! Kwento ka naman, Ate!" excited na excited na sabi nya.

Lumabas muna kami ni Orange at puwesto sa terrace. Masyado syang maingay sa sala. Nanonood sina Lola eh. Kaya dito ko na lang sya dinala.

Ayun, kinuwento ko sa kanya yung about samin ni Frank. Na nagtatrabaho ako sa kanya ng walang bayad dahil sa mas maliit pa sa maliit na kasalanan ko sa kanya. Hindi ko nga alam hanggang ngayon kung bakit hindi ko magawang umalis sa trabahong yun.

"Ahh. Ganun pala. Eh bakit ka nandito Ate? Diba dapat nandun ka sa kanya at nagtatrabaho?" Orange.

"Ayoko na eh. Mahirap din pala yung ganun."

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon