Unexpected [11]

773 13 3
                                    

 Dedicated sa kanya. Na-overwhelmed ako sa comment nya sa last chapter. HAHA. Thank you~

 -11-

 FRANK's POV

 "Sige iho. Ingatan mo ah!" sabi ng Tatay nya at tinapik yung balikat ko. 

 "Pre, alam mo na ha." sabi pa ni Kuya Dim.

 "Opo." sagot ko at ngumiti. 

 Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa kotse. 

 "Manong, sa school po ni Christine." sabi ko kay manong at nagdrive na nga sya. 

 Kilala nyo na siguro ako, diba? Ako yung pinakagwapong lalaki sa buong mundo. *hangin* Hayaan nyo na ako magyabang, ngayon lang ako nagPOV. 

 I'm Frank Austin Santiago, well known as Frank Santiago in showbiz. Screen name ko kumbaga. 17 years old na ako and I'm already graduated in high school. 1st year college na dapat ako kaso may dumating na project sa'kin so kelangan ko munang itigil yung pag-aaral ko. Pagkatapos nung show ko ngayon, saka ko ipagpapatuloy yung pag-aaral ko. 

 After ilang minuto, nakarating na kami sa school nya. Sinabihan ko na sya kahapon na hintayin ako ng lunch time sa harapan ng school nila. At nandun na nga sya. 

 One week na rin ang nakalipas simula nung lumabas yung issue na yun. Kaya wala na yun ngayon. At sa loob ng one week na yun eh pinagpahinga ko sya sa pagiging alalay ko. Iwas press na din saka para hindi na lumala yung issue. Mahirap na.

 Nakita ko na sya dun sa harap ng school nila at lumilinga-linga. Dyan din ako sa school nila nag-aral ng high school kaya madali na lang kung makikiusap ako na i-excuse sya. Lumabas ako ng kotse. Nakajacket ako, naka-hood at naka-shades para hindi nila ako makilala. Nilapitan ko sya at tinabihan. 

 "Tara na." mukhang nagulat sya sa biglang pagsulpot ko kaya nanlaki ang mga mata nya. 

 "S-Sino ka?!" hindi po ako sinuka. =_="

 Hinila ko na sya papunta sa kotse. 

 "S-Sino ka ba ha?! Holdaper!" sigaw nya. Kaya naman agad kong tinakpan yung bibig nya.

 "Holdaper ka dyan? Baka kidnapper?" bulong ko. Nakakaloko din 'to eh.

 "Ayy oo nga. Eh basta! Sino ka ba?!" sabi nya na naguguluhan at medyo nagpapanic. 

 Tinulak ko sya papasok dun sa shotgun seat. Pumasok na din ako sa passenger seat at inalis yung jacket na may hood at yung shades. Nanlaki yung mata ni Christine. 

 "Ikaw?!" gulat na gulat na sabi nya. 

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon