Unexpected [26]

667 13 4
                                    

 Okay. So Friday ngayon. Yes namannn. Hahaha. Sorry sa late UD. Madami din akong responsibilities as a student kaya hindi ko maisabay ang Wattpad. Pasensya na. :)))) Sorry din kung maiksi lang 'to. Bawi ako bukas o sa Sunday. :D

 -26-

 FRANK's POV

 "Hala. Anong nangyari dun? Ba't biglang binaba?" nabulong ko sa sarili ko pagkapatay ni Christine ng phone nya. Tumawag tapos wrong dial lang? Labo eh. 

 "Oh bro, bakit gising ka pa?" tanong ni Edd na naalimpungatan ata. 

 "Ah wala." sabi ko at tinago yung phone ko. 

 Natripan kasi naming boys na magsama-sama sa iisang room habang nandito pa kami sa boracay. Alangan namang isama namin yung girls eh privacy na nila yun. Alam ko namang walang milagro o kababalaghang magaganap pero iba pa rin yung kahulugan kapag ganun.

 Okay, ang daldal ko na.

 "Tss. Istorbo." sabi ni Edd at humiga na ulit.

 "Wow ha. Sino ba kasing may sabing bumangon ka dyan?" 

 Hindi na sya umimik. Lakas talaga ng trip ng lalaking yun eh. Tch.

 Nakita ko naman si Jason na tulog na tulog. Tulo laway pa ata. Ewww. 

 Sabi ko naman sa inyo eh. Hindi lahat ng pinapakita namin sa harap ng camera eh ganun na din sa likod. May sari-sarili din kaming mundo. 

 *****

 "Pre, gising na." 

 Pusha, istorbo eh.

 "Pre! Tanghali na oh!" 

 Pake ko?

 "HOY! MAY TAPING PA TAYO!" 

 So what? Isa ako sa mga bida kaya hindi magsisimula ang taping nang wala ako.

 "PARE! SI CHRISTINE NASA BABA! HINIHINTAY KA! GUSTO MO BANG MAABUTAN KA NYA NANG GANYAN ANG ITSURA MO?!"

 Napabalikwas ako sa pagkakahiga at sinuot ang tsinelas. Hindi na 'ko nag-abalang tingnan pa si Edd. Kinuha ko na yung twalya ko at dumiretso sa banyo. Pero bago ako makapasok sa banyo eh narinig ko na syang tumatawa. 

 "Hoy! Bakit ka tumatawa dyan? Nababaliw ka na ba?" tanong ko. Patuloy pa rin sya sa pagtawa.

 -____-

 "HAHAHAHA! Kase... HAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA!" halos hindi na nya maipagpatuloy yung pagsasalita nya sa pagtawa nya.

 Baka alam ko kung ano yung dahilan ng pagtawa nya noh? *insert sarcasm*

 "ANUBA EDD!" 

 Medyo nahimasmasan na sya. Pusha, sinasayang nya oras ko. Naghihintay sa baba si Christi---- TEKA..

 Parang alam ko na kung bakit sya tumatawa.

 "Ikaw kamo ang nababaliw dyan! BALIW NA BALIW KAY CHRISTINE! HAHAHAHAHA!" 

 I gave him my death glare. 

 "LANGYA KA, EDD! HUMANDA KA SAKIN!" 

 Tumakbo sya papalabas ng kwarto at hinabol ko naman. Malilintikan talaga 'to sakin eh. 

 Nung malapit ko na syang mahabol eh bigla namang nagring yung phone ko na hawak ko. Ewan ko kung paano 'to napunta sa kamay ko. 

 Tiningnan ko kung sino yung tumatawag.

 Calling...

 Christine ♥

 OMG. What to do? What to do? Waaaaaaaa.

 Tae, napapraning na ata ako. 

 "SAGUTIN MO NA! NYARE KA PA!" sigaw ni Edd.

 "Epal ka talaga." sabi ko.

 Pinindot ko na yung answer button at tinapat sa tenga ko yung phone.

 "Ah.. Hello?"

 [Frank..]

 "B-Bakit ka pala n-napatawag?" Oh men, nauutal ako. Tss.

 [Pinapatanong lang ni Mica kung kelan ka daw uuwi? Fan na fan ka kase nito eh.]

 Ayy? Akala ko pa naman namimiss nya 'ko.

 Okay, 'wag paasahin ang sarili, Frank. 

 "Ahm.. Mga after 4-5 days pa siguro. 1 week kami dito eh."

 [Ah. Ganun. Sige, yun lang. Salamat.]

 Naramdaman kong ibababa na nya yung phone pero nagsalita ulit ako.

 "Wait Tin.. ahm.. 

 Miss na kita."

 Napatakip ako sa bibig ko.

 "Ah wala! Wag mo anng intindihin yung sinabi ko. Medyo wala ako sa sarili eh. Babye na." at binaba ko na yung phone ko.

 TELL ME, ANONG NANGYAYARI SAKIN?

 "Syang tulak ng puso, lalabas sa bibig." bulong ni Edd. 

 May ganun bang kasabihan? -.-

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon