Guys, follow me on Twitter, @PriiimRoseee Thanks :)
-12-
FRANK's POV
“Yung may ‘I love you’?” tinakpan ko agad yung bibig ni Edd. Tae, napakadaldal neto.
“H-Ha?” medyo namula si Christine. “A-Ahh.. O-Oo.” Dagdag nya.
“asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm!@#$%^&*()” sabi ni Edd habang nakatakip pa din yung kamay ko sa bibig nya.
“Anong sinasabi mo?” tanong ni Christine.
“Wala. Wala. ‘Wag mo nang intindihin ‘to.” Sabi ko. Tumahimik na lang si Christine. Dinala ko sa labas si Edd.
Tinanggal ko na din yung kamay ko sa bibig nya.
“Tae pare, balak mo ba akong ipahamak?” sabi ko nang nakapamewang.
“Ano namang ipapahamak ko sayo? Bakit? May sikreto ka noh? Sabi ko na nga ba eh, gusto mo talaga si Christine. Ayiiiiiii—ARAY! OUCH! TAMA NA!” hinampas ko sya ng isang bagay na agad pumasok sa isip ko. Yung upuan sa gilid. Yung plastik.
“Wala akong gusto sa kanya. Never akong magkakagusto dun noh!” pagtanggi ko.
“Wehhh? Eh bakit ang defensive mo kanina? Sa tingin mo ba ibubuking kita? Hindi pare ah. Hindi ko naman ibubuking na may gusto ka kay Christine eh.” Sabi nya at inakbayan ako.
“Sige---Este! Wala nga akong gusto don! Saka, hinahinaan mo nga yang boses mo. Mamaya may makarinig sayo eh.” Shete, muntikan--- wala, wala. Wala namang dapat mabuking eh.
“Psh. Kunyare ka pa. Alam mo pare, kung ako sayo. Umamin ka na habang maaga pa. Nasa huli ang pagsisisi.” Pagpapangaral nya sakin.
“At kung ako sayo.. manahimik ka na lang.” sabi ko at iniwan sya dun. Pumasok na ako sa loob ng tent.
Sya lang naman si Edgar Mark Bautista. ‘Edd Bautista’ sa showbiz. Matagal ko na yang kaibigan. We graduated at the same school. Bestfriend ko na din kumbaga kaya alam ko na yang mga kilos nya. Magkatabi lang din ang mga bahay naming kaya isang tawag ko lang sa kanya eh andyan na sya.
Sumunod din si Edd sakin papasok sa tent. Maya-maya ay may pumasok na staff sa loob, sya yung nag-aayos ng schedule namin.
“Frank and Edd. May press conference kayo tomorrow, at 6pm in the evening. You need to attend that press con dahil tungkol yun sa new show nyo. Kasama ang buong cast. Yun lang.” sabi nya at lumabas na ang tent.
“Haynako, nakakatamad naman.”
