-5-
CHRISTINE’s POV
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit hindi man lang nagalit sina Kuya at Daddy sa pag-uwi ko ng late kagabi. Hindi naman kasi sila ganyan. Kumbaga, nasanay ako na protective sila sakin na miski pag-uwi ko ay may oras at may curfew. Babae daw kasi ako. Psh.
“Ikaw Christine, ayus-ayusin mo ang pag-aaral mo. ‘Wag mong sabihing babagsak ka ngayon pang graduating ka na.” sabi ni Daddy. Kumakain kami ng breakfast and in a few minutes ay aalis na rin ako para pumasok.
“Daddy naman! Ilang beses ko bang sasabihing ayaw ko ng tinatawag akong Christine!” naiirita kong sabi. Seriously, ayaw ko talaga. Mas gusto ko pang tinatawag akong ‘Tin’.
“Bakit ba kasi? Ang ganda-ganda naman ng Christine ah. Diba, bigay yun ng nanay mo? Oh e----“ tumayo na ako at hindi na pinatapos na magsalita si Daddy. Ayaw kong marinig yung sasabihin nya.
“Alis na ‘ko.” Sabi ko at lumabas na ng bahay. Kaya ayaw kong mauungkat ang pangalang yan, may naaalala ako. May naaalala akong dapat hindi na maalala pa. Walang kwenta.
Sumakay na ‘ko sa jeep na kadadaan lang. Medyo malayo yung school namin kaya kelangan pang magjeep pero isang sakayan lang naman. Maya-maya din ay nakarating na ‘ko sa school. Nagpunta agad ako sa room.
“Oh Tin, bakit nakabusangot ang mukha mo dyan? Agang-aga.” Puna sakin ni Mica. Tumabi sya sakin kahit sa last row pa naman sya talagang nakaupo.
“Tss. Badtrip.” Sabi ko lang. Hindi talaga ako makakausap ng matino kapag badtrip ako lalo na’t tungkol sa pangalan ko.
“Bakit naman? About your name again?” hay. Bestfriend ko talaga si Mica. Alam nya lahat. Lahat-lahat ng tungkol sakin. Alam nya yung tungkol sa pangalan ko.
“Yeah. My dad called me again in that freaking name.” sagot ko.
“Haynako. Hindi talaga maiiwasan yan Tin.” Sagot nya.
“Pwede naming maiwasan kung talagang iiwasan ah. Eh sa kaso ni Daddy, mukhang hindi pa talaga nya nakakalimutan si Mommy.” Sabi ko. Dapat lang naman na kalimutan na namin si Mommy tulad ng pagkalimot nya samin.
“Syempre naman mahirap para sa Daddy mo yun. Nagsama sila for how many years. Sa tingin mo ba, ganun kadaling kalimutan yun?” sabagay.
“Tsk. Nevermind.” Sabi ko.
“By the way, anong nangyari kahapon?” tanong nya na para bang excited.
“Ha? Anong kahapon?” sagot ko na tanong din.
