-17-
CHRISTINE’s POV
“Where are you? Dito na me.” Baliw talaga ‘tong si Mica. -__-
“Loka. I’m in a vacation.” Sagot ko. Tinawagan nya ako, agang-aga. 5am pa lang kaya.
“What? Vacation? Ikaw ang loka. Wala pa kayang sembreak, nagbabakasyon ka agad?”
“Basta. Kukwentuhan na lang kita sa Monday, okay?”
“Owkay. By the way, sino kasama mo? Sana man lang sinama mo ‘ko.”
Siguro naman hindi nya ipagkakalat na kasama ko si Frank diba?
“Promise me first that it will be a secret.”
“Ha? Bakit? Sino bang kasama mo? Kriminal ba? Murderer? Kidnapper? Holdaper? Tell me!”
She’s totally.. Ugh..
Certified loka-loka.
“Promise me first.”
“Okay okay, I’ll promise I would not tell anyone about this. Sino nga?”
“Si Frank.”
Panandaliang nanahimik sa kabilang line.
“Mica? Are you still there?” tanong ko.
“Yeah, I’m still here but I think I need oxygen.” Sabi nya.
“Ha? Bakit? Nahihirapan ka bang huminga? Ha? Hoy!” nagpanic na ako. Hala, anong nangyayari sa kanya?
“Hindi. Kinikilig kase ako! Emeghed!”
“Gaga ka! Akala ko pa naman may nangyari nang masama sayo.”
“HAHAHA! Kinikilig nga kase ako! Paano namang bakasyon yan ha? Saka bakit kasama ka pa? Sino-sino ba kasama nyo?”
“Ako lang, si Frank saka yung Mom nya.”
“Ohmygod! Grabe, bakit ka naman daw dinala dyan? Teka, nasaan ba kay---“ hindi ko napakinggan yung sasabihin nya dahil may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto at naalis ko sa tenga ko yung phone.
“Pasok.” Sabi ko.
Nakita ko namang pumasok si Frank.
“Oh bakit?” tanong ko.
“Magbihis ka. Magjojogging tayo.” Sabi nya nang hindi nakatingin sakin. Nakapamulsa sya. Kaya pala nakajacket, nakajogging pants at naka-rubber shoes sya.
“Eh inaantok pa ‘ko.” Sabi ko. Promise, inaantok pa talaga ako.
“Wala nang arte-arte. Basta magbihis ka.”
Tiningnan ko yung phone ko at binaba na ni Mica yung tawag. Haynako. Nilapag ko muna yung phone ko sa kama at kumuha na ng damit.
“I’ll take a bath only. Wait me outside.” Sabi ko.
“No. Dito ako maghihintay. Dalian mo na.” hindi na ako nakaangal dahil nakaupo na sya dun sa kama.
Ano pa nga bang magagawa ko?
