Unexpected [2]

1.1K 16 0
                                        

 CHRISTINE's POV

 Ewan ko sa sarili ko pero dinala ako ng mga paa ko dito sa Artist Incorporation. Nag-init yung ulo ko dahil sa sulat na yun. Napakayabang naman ata nya? Kahit ba sabihin nating artista sya, eh anong ngayon? Kung ganun naman kahangin ang utak nya, edi waepek. 

 Para lang akong tanga dito, pinagtitinginan ng tao. Sabagay, puro artista nga lang naman ang mga nakakapasok dito at hindi ang isang tulad ko. Eh ano ba kasing mali sakin? Anong mali sa suot ko? Naka-tshirt lang naman ako ah, tapos pants. Tapos naka-puyod at naka-sumbrero. 

 Sinunod ko yung nakalagay sa sulat. Artist Incorporation, nandito na ako. 4th floor. Kelangan ko pang sumakay ng elevator. Buti na lang at may nakasabay ako sa loob ng elevator kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung pipindutin dun. Oo, magala ako pero hindi naman sa gantong lugar. Maya-maya din eh, nakarating na ako sa 4th floor.

 Agad ko namang nakita ang room17. Binuksan ko ito ng walang katok-katok dahil naiinis na ako. 

 "BAKIT MO BA AKO PINAPUNTA DITO?!" sigaw ko pagpasok ko. Tumahimik yung buong room. 

 Pagkakita ko..

 ..Please, kainin na sana ako ng lupa. Now na! Waaaaaaaaaah! Nakakahiya! >_< 

 Lumabas agad ako ng room na yun at sinarado yung pintuan. Tiningnan ko yung number na nakadikit sa pintuan, Room 7. 

 Ay shemay! Room 7? Anong klaseng mata ang meron ako at bakit hindi ko napansin yun? Ugh. Dagdag kahihiyan na naman 'to. 

 May nagmi-meeting kasi dun sa room na pinasukan ko. Madami sila dun kaya naman nakakahiya talaga. I don't know what's kind of meeting is that, basta, nakaupo sila at nakapalibot sa iisang table na may hawak na mga papel. Yun na yun. 

 Hinanap ko yung room 17. This time, mas nilinawan ko na yung mata ko. Maya-maya din eh nakita ko na yung room kung saan ako pinapapunta ng mokong na yun. Kumatok muna ako, syempre, para sure na. 

 "Pasok." narinig kong sabi mula sa loob. Boses lalaki. 

 Pumasok na ako. Nakita ko sya doon, naka-crossed arms habang nakakunot ang noo.

 "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay." irita nyang bungad sakin. Hindi na talaga uso ang Hello ngayon. -_-

 "Sinabi ko bang mag-intay ka?" sabi ko naman sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

 "Tss." 

 "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" 

 "For your punishment." 

 "Sino ka naman para magparusa sakin? Umiiral pa ba ang Martial Law ngayon at kahit sinong nakatataas pwedeng magparusa sa mas mababa sa kanila?" 

Unexpected (FrancElla)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon