Unexpected [3]

1.1K 14 0
                                    

-3-

CHRISTINE's POV

 "TALAGA?! OHMYGOD! Ang swerte mo Tin-tin!" sigaw ni Mica na kinikilig-kilig pa. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kahapon. Not of that Frank Santiago. It's about Jeremiah Lee. Pagkatapos pala ng malas na nangyari eh may swerte pa ding dadating sa buhay ko.

 "Yeah. Nagulat nga ako nun eh. He even winked at me before leaving." sabi ko pa.

 "Grabe talaga. Kaloka ka Tin-tin!" tiningnan naman nya ako ng nagtataka.

 "Ano?" may dumi ba sa mukha ko at ganto makatingin 'tong babang 'to sakin? -_-

 "Nasaan yung sumbrero mo?" napansin pala nya. 

 "Wag mo ng itanong, nabubwiset lang ako." sagot ko.

 "Nasaan nga?" curious nyang tanong.

 "Kinuha nung Frank na yun. Grrrr." nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

 Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw at tumili si Mica. Napahawak ako sa dibdib ko kasi nabigla talaga ako.

 "WAAAAAAAH! YOU MEAN, SI FRANK SANTIAGO? AS IN, YUNG ARTISTA? KINUHA NYA YUNG SUMBRERO MO? OHMYGALLY. IKAW NA TALAGA TIN-TIN!" 

 Napakamot ako sa ulo ko. So, yun lang ang dahilan kung bakit sya sumigaw? Eh ano naman kung kinuha ng Frank na yun ang sumbrero ko? Edi kanya na. Bibili na lang ako ng bago. 

 “So, what’s with the sombrero?”

 “Gagi ka talaga. Syempre, edi ibigsabihin, gusto ka nya!” sagot nya.

 “Like.. duh. Ako magugustuhan nun? Wag ka ngang mangarap dyan Mica. And as if, gusto ko sya diba? Tumahimik ka na nga lang.” sagot ko naman. Seriously, hindi ko talaga tipo yung Frank Santiago na yun. What a jerk.

 We’re on our way home when a car stopped in front of us. Bumukas yung tinted na bintana nito at inilabas ang isang gwapong nilalang. Este, panget! Panget! Anong ginagawa ng isang ‘to dito? Pinapainit na naman nya dugo ko.

 “Pasok.” Utos nya. Wow, sino sya para makapag-utos?

 “OhMyGod! Si Frank!” gulat na gulat na sabi ni Mica. Agad-agad syang nagbungkal sa bag nya at kumuha ng papel at ballpen saka iniabot kay Frank. “Pwede pa-autograph?” walang alinlangan nyang sabi. Grabe ‘tong babaeng ‘to. What’s with the autograph? Sinasayang lang nya yung tinta ng ballpen nya sa lalaking ‘to.

 Pumayag naman si Frank, “Sure.” Sabay ngiti. Psh. Plastik. Kinuha nya yung inabot sa kanya ni Mica na papel at ballpen saka ito pinirmahan. Ibinigay nya kay Mica.

Unexpected (FrancElla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon